36. Bakit?

199K 7.9K 8.6K
                                    

Chapter 36

Bahala raw ako? Edi bahala rin siya sa buhay niya! Hindi ko naman 'yon sinasadya, ah! At isa pa, ang harsh naman niya talaga dun sa lalaki. Paano kung may emergency nga? Paano kung kailangan niya talaga ng tulong ko at dahil kay Zion ay mas napasama pa 'yong emergency niya? See! Zion was the one at fault.

But on second thought, paano kung totoo nga 'yong sinabi ni Zion na balak lang nung lalaki na kunin 'yong number ko? Nakakaloka naman 'yon kung lalandiin nga ako nun! Zion must be also right...

"Pero wala naman siyang karapatan na sabihin dun sa lalaki na sa kanya ako ha? Diba? I'm not his and he's definitely not mine, right? Ano? Sagot!"

Pinandilatan ko ang sariling reflection sa salamin. Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity table ko habang bina-brush ang mahaba kong buhok. Kanina pa talaga ako nafrufrustrate dito, e. Mas nakakafrustrate din pala kapag walang mapaglabasan ng rants sa buhay kundi ang sarili sa salamin. Nakakabaliw!

"Argh! Nakakabaliw ka, Zion!" Ginulo ko ulit ang buhok ko sa inis at nung makita ko na naman yung sariling buhok ko na magulo ulit ay nainis ulit ako! "Yan tuloy! Susuklayin ko ulit!"

Naging ganun lang yung routine ko for the rest of the day. Kinakausap ko lang ang sarili ko't nakikipagtalo kung sino ang at fault kanina sa nangyari tapos kapag nainis, guguluhin ulit ang buhok tapos aayusin ulit.

"Ayoko na nga!" Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo at saka sumalampak sa kama. Mariin akong pumikit para i-sort out yung magulo kong isip pero hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang utak ko dahil nagpe-playback lang yung sinabi ni Zion sa akin kanina.

"Oo nga naman. Ano mo nga naman ba ako? Fine, bahala ka na sa buhay mo."

Argggghh!Napatakip ako ng unan sa mukha ko at nagpapapadyak sa ere. Zion won't stop pestering on my mind. Fine, I admit, guilty ako sa sinabi ko kanina. Malamang kung sa akin din sasabihin yon ay mao-offend din ako lalo na't gusto lang niya akong protektahan dun sa lalaki kanina.

I removed the pillow that covered my face and then let out a big sigh. "I'll apologize..."

Bumalik muli ako sa harap ng vanity table dahil dun ko ipinatong ang phone ko. Tamang tama pa dahil naka-online siya sa Facebook ngayon.

Me: Zion, sorry. I didn't mean what happened awhile ago. Huhu. :(

Binura ko kaagad iyon. Tunog immature, bes!

Tumipa ulit ako ng bago.

Me: Zion, galit ka pa rin ba? Sorry.

Binura ko ulit. Walang dating! Parang hindi pa sincere.

Misty, you have to be sincere. I typed in another message. This one's serious.

Me: Zion, sorry sa nasabi ko kanina. I didn't mean it. Hindi dapat kita tinanong kung ano ka ba sa buhay ko. Alam mo namang special ka diba?

Matagal kong tinitigan ang kakatype ko lang na message. Sincere ako dito pero... agad kong binura.

"For sure, mao-offend na naman 'yon! Baka isipin naman niya, ang tingin ko sa kanya isang special child!"

Nagpangalumbaba nalang ako habang nakatitig sa phone ko. Seriously, I don't know what to tell him. Parang simpleng pagso-sorry lang, hindi ko agad magawa. Tanggap ko naman na ako yung mali pero bakit hirap na hirap ako? I am having a hard time to apologize as if his reaction and emotions matter to me. Si Zion lang naman siya! Ano bang nangyayari sa akin?

Napabuntong-hininga nalang ako sa naisip. Am I nuts? Tinatanong pa ba yan? Babalik na naman ba ako sa pagiging in denial? Alam ko naman yung sagot and that is I am so into him that's why I care for him too much.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon