4. Sleep Over

223K 8K 3.5K
                                    

                 

Dedicated to all my patient readers. Much love.


4. Sleep Over

Hindi ako makapaniwala na nalasing si Kuya Kurt. Ang taas kaya ng alcohol tolerance niya. Nagtataka tuloy ako kung ano ang ininom nila ni Tito Anton kanina. Parehas kasi silang knockout. Yan tuloy, dito pa kami matutulog ngayong gabi sa Madrigal residence. Nakakahiya nga e. Si Kuya naman kasi, ba't naglasing pa ng sobra. Akala mo walang trabaho bukas.

"Dito ka na matulog, Misty," sabi ni Kuya Wayne habang binubuhat ang natutulog na si Wesley mula dun sa kama. "Sa kwarto ko nalang matutulog si bunso. Basta, Misty, feel at home lang."

"Kuya Wayne, hindi ba nakakahiya?" Kasi sa totoo lang, hiyang-hiya ako. Pagkatapos ng eksena namin ni Zion kani-kanina lang sa hallway ay talagang gusto ko ng umuwi. Si Kuya kasi e!

Ngumiti lang siya sa akin sabay umiling. "Sus. 'Wag ka ng mahiya. Kaysa naman na bumyahe pa kayo pauwi. Tignan mo naman ang lakas ng ulan oh."

Naupo lang ako sa gilid ng kama nang nakanguso. "Salamat, kuya. Gigising nalang ako ng maaga bukas para makauwi agad kami. May pasok pa kasi si kuya."

Humalakhak naman si Kuya Wayne. "Yari 'yan si Master— este si Kurt bukas. May hangover 'yan malamang. Osya, goodnight na, Misty. Ihahatid ko na si Wesley sa kwarto. Make yourself comfortable."

"Goodnight, Kuya Wayne," sabi ko nang palabas na siya. Sakto naman na pumasok sa kwarto si Tita Belinda na may dalang damit. "Tita..."

Lumapit siya sa akin sa kama nang nakangiti. "Misty, isuot mo muna ang mga damit na ito para makapagpalit ka. Sa anak ko 'yang dalaga. Sa tingin ko naman ay kasya sa'yo."

Mas lalo tuloy akong nahiya. As in, nag-init yata ang buong mukha ko. Hindi ako sanay na matulog sa ibang bahay at lalo na ang humiram ng damit ng iba. "Nakakahiya naman po sa anak mo, Tita. Ayos lang po ako sa damit ko. Uuwi rin naman po kami ni kuya ng madaling-araw."

"Naku, 'wag kang mahiya. You can stay here as long as you want. At saka wala naman si Chelsea dito at kahit naman na nandito siya ay papahiramin ka rin niya."

I know right. Chelsea nga pala ang pangalan ng step-sister ni Zion. Actually, pinahiram din niya ako ng damit noong birthday ni Zion three years ago.

"Salamat po," sabi ko nalang at inangat ang isang pares ng pantulog para tignan iyon. Mukhang magkakasya nga sa akin ito.

Naupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako. Na-conscious tuloy ako kaya naghawi ako ng buhok. "Namimiss ko na tuloy ang anak ko," aniya sabay buntong hininga. "Kasing edad mo siya nung huli ko siyang makita."

"Uh, nasaan po ba si Ate Chelsea?"

She feigned a smile and touched my hair softly. Halata ngang namimiss niya na ang kanyang anak. "Nasa Bohol siya ngayon. Sumama sa Papa niya. Dun sana kita papatulugin sa kwarto niya kaso hindi pa kasi nalilinisan," sabi niya saka siya tumayo. "Maiwan na kita, Misty. Magpahinga ka na. Just feel at home."

"Salamat, Tita. Goodnight po."

"Goodnight din..."

Bago lumabas ay lumingon pa si Tita Belinda sa akin at ngumiti. Binagsak ko naman agad ang katawan ko sa single bed ni Wesley nang tuluyan na akong mapag-isa sa kwarto. Hoo! Sa wakas, makakahinga na ako ng maluwag. Kanina pa kasi ako naiilang kasama ang Madrigal Family. Lalo pa sa harap ni Zion.

Speaking of... Kusang kumunot ang noo ko nang maalala ang nangyaring eksena sa pagitan namin ni Zion. Instinctively ay tumingin ako sa kaliwang pader ng kwarto kung nasaan ako ngayon at sa direksyon na iyon ako humarap. Justice League pa man din ang wallpaper kaya medyo madilim ang kwarto ni Wesley. Sa likod din ng pader na 'yan ay ang kwarto ni Zion.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon