40. Advice

78.6K 2.9K 1.3K
                                    

Chapter 40

"May sinabi ba akong hindi?"

Then there was silence. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang nakatitig sa akin. His mouth snapped shut and shock filled his eyes. Wala akong ibang naririnig kundi 'yong mabilis na tibok ng puso ko.

"Yieeeee!" Or not.

Naputol ang titigan naming dalawa nang marinig namin ang nakakabinging hiyawan at kantyawan ng mga tao sa likod ni Zion and then it turned out na nagsipaglabasan pala ang mga kaklase namin. Yung iba pa nga ay nakadungaw ang mga ulo sa glass window. Don't tell me narinig nila yung mga pinagsasabi naming dalawa ni Zion?! Waaaaahhhh!

"Class! Tapos na. Pumasok na kayo," ani professor kaya isa-isa na silang pumasok. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. Natataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit nga ba ako lumabas?

I snapped back from my thoughts. "Geez. M-mag-CCR pala ako," nasabi ko nalang bago nagmamadaling naglakad palayo. Iniwan ko na si Zion du'n kasi parang wala pa rin siyang balak kumilos. It was as if he was stoned to his feet. Nakatulala pa rin e!

Hayys! Bahala siya dun. Basta ako, nagtatatakbo palayo. Yun nga lang, imbes na sa CR ang punta ko ay nakita ko nalang ang sarili ko na patungo sa field. I was catching my own breath as soon as I stopped, my hands on both knees.

Kusang bumalik sa isip ko yung sagutan namin ni Zion kanina. I actually can't believe I confessed to him.

"AAAAHHHH!!! Jusko, anong ginawa ko?!" Napahilamos ko ang kaliwang kamay ko sa mukha ko sa sobrang frustration. Okay, given the fact na nag-confess ako kay Zion pero hindi ko naman gustong ipamalita 'yon sa buong Management class! Definitely not this way!

"Wala na! Wala na! Alam na nila. Huhu!"

Sobrang lugmok na lugmok ako dahil sa kahihiyan. Kaya naman nung umupo ako sa bleachers at napansin na may iilang taong nakatingin sa akin ay hindi ko maiwasang hindi maparanoid. I'm so much aware na may pakpak ang balita e!

Napasampal ako sa bibig ko. "Pahamak kasi na dilang ito. Geez! Slip of the tongue--Ay!"

Halos mahulog na yung puso ko kasi biglang nag-vibrate yung phone ko. I took it out of my pocket only to find out that it was Sab.

Sab: Misty, where are you?

Tumingala ako sa mga ulap at napanguso nalang. I feel so hopeless. Wala na akong mukhang ipapakita sa mga kaklase ko. I just made a scene with Zion at nakita 'yon ng mga kaklase ko maging ang professor namin. Ayokong maging usap-usapan 'yon! Nagtype na ako ng reply para sa kanya.

Me: Sab, ayoko ng bumalik. Nakakahiya kasi yung nangyari kanina. :(((

She replied after a few seconds.

Sab: Nag-dismiss na agad si Sir. May faculty meeting daw e. Saan ka bang loka ka? Pupuntahan kita.

Phew! Buti nalang! Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang mabasa yung reply niya. At least, hindi ko na kailangan mag-cutting class.

Me: Nandito sa may open field. Sa may bandang bleachers.

Ilang minuto ring nakasubsob ang mukha ko sa hita. Pilit kong inaalis sa isip ko 'yong nangyari kanina. Okay lang sana na umamin na ako kay Zion e. Dun din naman ang punta nun at yun naman talaga ang dapat kong gawin. Napapagod na rin naman akong itago yung feelings ko sa kanya. Maybe it was about time to admit it to him. Not to the whole class though.

"Misty," boses yun ni Sab kaya mabilis akong nag-angat ng tingin. "Nandito ka lang pala." Hindi ako kumibo. Naupo siya sa tabi ko at saka niya nilagay sa tabi ko ang back pack ko. "Uy, ayos ka lang?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon