17. Tawad

154K 7.1K 1.9K
                                    


Chapter 17

Pakiramdam ko ay literal na nanliliit ako ngayong magkahawak ang kamay namin ni Zion. I felt like a little girl who is depending on him. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang ay sobrang behaved ko ngayon which is very unlikely me. Hindi naman ako pagod at hindi rin naman ako gutom. Siguro kasi medyo may kaba akong nararamdaman sa dibdib ko dahil ayokong mahiwalay kay Zion lalo na't matao ang lugar na ito... o yun nga ba talaga ang dahilan? Geez, ewan ko! Basta ang tahimik ko ngayon. Period!

Kasalukuyang kaming naglalakad sa kahabaan ng Recto para maghanap nung libro sa Management na kailangan namin para sa report. Actually, pagbaba palang namin ng LRT station ay bumungad na agad sa amin iyong hile-hilerang nagtitinda ng mga second hand books. I have never seen a place like this. Yung tipong sa gilid lang ng sidewalk nagtitinda ng books? Just wow. Though yung iba naman ay may pwesto. Nakakamangha lang talagang tignan yung mga patong-patong na libro na halos 6 feet ang taas. Para kaming nasa isang outdoor library kung hindi lang maingay.

"Ma'am! Papagawa po kayo ng birth certificate? Diploma? ID? Clearance?" May humarang sa aming lalaki. I flinched a bit when I saw him focus on me. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa kamay ni Zion. "Ano pong kailangan niyo? Certificate? Passport?"

Napansin yata ni Zion na na-bother ako kay kuyang nag-aalok sa amin kaya hinila niya ako't naglakad ng mabilis. Paano ba naman ako hindi mabo-bother kung sobra makadikit sa akin yung lalaki!

"Zion, magtanong-tanong ka na dito. Baka meron sila nung libro," tanong ko sa kanya at saka inilibot ang tingin sa paligid. "Ano bang title?"

"Business Policy and Strategy."

"Author?"

"Zarate."

"Okay," sagot ko at bibitaw na sana para magtanong sa tindero kung hindi lang ako hinatak pabalik ni Zion. "Oh, bakit?!" Binalingan ko siya ng tingin.

"Ako na." At siya na ang naghila sa akin para magtanong sa tindero. Aba, napapansin ko ng siya ang laging nasusunod simula pa kanina ah!

Nagtanong na siya dun sa tindero pero wala raw silang kopya nun. Ni-refer pa kami sa katabing pwesto na merong copy pero tumanggi si Zion.

"P350 nalang 'to, Sir!"

Umiling si Zion sa lalaki saka ako tinanguan. "Tara dun," yaya niya sa akin. Nagsimula na kaming maglakad pero ang bigat ng bawat hakbang ko. Yun na, e! Nakakita na kami ng copy pero tinanggihan niya pa. Anong trip ng lalaking ito?

"Okay na yon. Ba't hindi mo pa binili?"

He took a quick glance on me and then breathed out. "Mahal. Marami pang mura dyan."

Tumaas ang isang kilay ko sa sagot niya. As in, wow. Si Zion ba talaga 'tong kasama ko? Kailan pa siya naging kuripot?

Inabot nalang yata kami ng kalahating oras sa pagsuyod ng Recto para lang maghanap ng libro. Actually, kahit saan namang mapagtanungan namin ay meron e. Reasonable naman na yung mga presyo dahil makapal din yung book; may tig-P350, meron pa ngang pwedeng tawaran hanggang P320 at may nakita rin kaming tig-P300. Ewan ko ba dito sa kasama ko. Naghahanap yata ng tig-pisong libro!

For the nth time ay huminto kami sa harap ng isang tindahan. Nilapitan naman kami agad ng tinderang babae. "Ano pong hanap niyo?"

"Meron kayong Business Policy book ni Zarate?"

"Meron po. Saglit lang."

Umalis saglit yung babae marahil para kunin yung kopya ng libro. Siniko ko kaagad si Zion kaya binalingan niya ako ng tingin.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon