34. Sa Isang Iglap

150K 5.8K 3.2K
                                    

Chapter 34

Nagising ako kinabukasan sa mabigat na bagay na nakadagan sa likod ko habang nakadapa. Pagmulat o ng mga mata ay bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Zion. He is still sleeping soundly. That's also when I found out na braso pala niya ang nakapatong sa likod ko at hindi lang 'yon basta nakapatong kundi nakayakap pa sa akin! Our faces were a few inches apart that made me realize how awkward our position is right now! OMG. Nakatulog nga pala akong katabi siya!

Okaaaay. Huwag mag-panic. Hingang malalim, Misty. Ganyan nga. Pakalmahin mo ang sarili mo bago ka sumibat. Hindi pwedeng magising siya na ganito ang posisyon namin na bubungad sa kanya. Nakakahiya!

Dahan-dahan akong kumilos at buong ingat na inalis ang kamay niya sa likod ko. Nagkandangiwi-ngiwi pa ako sa pag-iingat na hindi siya magising. Malapit ko nang matanggal ang kamay niya sa likod ko nang bigla siyang kumilos.

Halos mapatili ako nang muntik na akong mapasubsob dahil niyakap niya ako ulit pero this time ay mas mahigpit na dahilan para mas mapalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Para tuloy akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba! One wrong move and our lips will surely touch! AAAAHHHHH!!!

I pursed my lips and my eyes tightly and then took another deep breath to calm my tensed self. Parang may kabayong nagkakarera sa loob ko sa tindi ng kaba ko. Handa na sana akong gawin ulit ang ginawa ko kaninang pag-alis ng braso niya sa mula akin nang sa pagmulat ko ng mga mata ay sakto ring pagmulat din ng kanya.

Uh oh.

"Oh, sh-it!" he cursed under his breath and then quickly got himself away from me. Pinagkasya niya ang sarili sa isang sulok. Para siyang literal na napaso sa paglayo at ang mas malala pa ay parang na-harrass ko siya base sa reaksyon niya. Tinakpan ba naman ang sarili niyang katawan ng kumot e. Wait. What? Harrass? No way—

"Anong ginawa mo sa akin?!"

Agad na nagtaas ang isang kilay ko sa tanong niya. Ayokong maabutan niya na ganun ang posisyon namin dahil alam kong maiilang kami sa isa't-isa pero hindi ko naman alam na ganito pala ang magiging reaksyon niya. Wow, ha. Sino bang babae sa aming dalawa? Ako ba o siya? Sa reaksyon niya, mukhang siya e.

"Why do you sound like you were aggravated?" Nagtaray na rin ako. Hello! Nakakaasar naman kasi yung reaksyon niya. Mukha ba akong magte-take advantage sa kanya?!

Imbes na sagutin ang tanong ko ay bumaba ang tingin niya sa kanyang suot. His panic doubled realizing that his clothes changed. As in, pulampula ang mukha niya. Fine. Hindi na dapat ako magtaka. Badaf nga pala siya dati.

"Ano bang nangyari? Bakit ako nandito sa unit mo? I I mean, ng kuya mo? At bakit... bakit iba na ang suot ko?!"

That's it! Bumangon na ako't umalis sa sofa bed at saka siya tinapunan ng masamang tingin. "France Zion Madrigal, para sabihin sa'yo, lasing na lasing ka lang naman kagabi. Hinatid kita sa unit ng kuya mo pero walang tao du'n kaya dito nalang kita dinala. Gets mo?" I eyed him sharply and then he flinched. "Pagkatapos kitang asikasuhin kagabi, ganyan lang ang maisusukli mo sa akin? Thank you, ha!"

Parang batang natulala dahil napagalitan ng nanay ang ngayo'y reaksyon ni Zion. Hinintay ko siyang sumagot pero yumuko lang siya at pinukpok ang kanyang ulo. Tss. Hangover. Bagay lang sa'yo yan.

"Walwal pa more. Ha!" bulong ko sa aking gilid na mabilis na nagpaangat ng ulo niya.

"Anong sabi mo?"

I rolled my eyes on him. "Wala! Sabi ko, umuwi ka na," I replied and then went up straight to my room.

Seriously, napipikon ako. Sabi na nga ba, e! Pagkatapos niya akong pakiligin last night ay kakalimutan na niya ang lahat kinabukasan. Wait, kinalimutan nga ba, Misty? In the first place ay lasing naman talaga siya. Meaning to say, wala siya sa katinuan. Hindi niya alam ang mga lumalabas sa bibig niya. It was the alcohol talking last night!

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon