12. Valid Reason

179K 7.8K 2.9K
                                    

Chapter 12

Medyo nablangko ako sa sinabi ni Zion. Saglit na nawala lahat ng kanina ay nasa isip ko. Nabigla ako e. Hindi ko in-expect na siya mismo ang mag-oopen up sa aming dalawa ng tungkol sa nangyari three years ago.

"Siguro nga iniwan kita sa ere pero hindi ko naman 'yon sinasadya. I was just caught up by my situation..." Humugot ako ng malalim na hininga bago sumandal sa sofa at tumingin sa TV sa aming harapan. Hindi ko kasi matagalan yung intensity ng pagkakatitig sa akin ni Zion. It's as if he wanted me to spill more of my side. Nandun yung eagerness.

"At sa tingin mo, sapat na 'yon na dahilan para hindi ka man lang magpaalam sa akin? Nawala ka nang parang bula, Misty."

The bitterness in his tone bothered me. The air around me suddenly felt heavy and still. Bumalik tuloy sa isip ko ang mga nangyari three years ago nang umalis ako sa Pilipinas.

"Namroblema nga kasi ako no'n, Zion. Dad needed to have his heart operation in the States as soon as possible. Syempre ang nasa isip ko nun ay gusto kong maging maayos si Papa. God knows how worried I was during that time," tuloy-tuloy kong paliwanag at saglit na huminto para salubungin ang seryosong tingin niya sa akin. "At isa pa, we were not in good terms back then. Ilang beses kong sinubukan na i-approach ka para magpaliwanag pero iniwasan mo lang ako." Unti-unting humina ang boses ko nang mapansin kong tumataas na ang tono ko.

Umiwas siya ng tingin at napakurot sa sentido. He looked so frustrated now. "Tapos ka na?"

Natigilan ako sa isinagot niya. I suddenly wanted to rewind in my mind every word I spilled a few seconds ago. May nasabi ba akong mali? May nasabi ba akong offensive? Sa sobrang kaba ko ay hindi ko magawang sumagot. Ayokong madagdagan pa ng isang pagkakamali ang nagawa kong mali.

My silence was his cue to speak. He heaved an annoyed smile before he met my troubled gaze. "So, that's what happened, huh?" Umiling siya. "Misty, you should have at least tried to inform me. Naiintindihan ko naman na nataranta ka sa nangyari sa Dad mo."

"But you were mad at me. Hindi mo lang ako papakinggan, Zion—"

"Kahit man lang sana tumawag ka sa akin para ipaalam na nasa States ka na. Pati rin naman ako nag-alala sa Dad mo... syempre, pati sa'yo. Kahit galit ako sa'yo noon dahil sa ginawa mong pangloloko sa akin, hindi pa rin naman maaalis na mahalaga ka sa akin, Misty. Because you're Misty Kirsten Lee, the reason why I am the way I am now..."

Yumuko ako't napapikit nang mariin. Hindi ko alam inaasahan na magiging ganito kabigat ang pag-uusap namin tungkol sa nangyari. I actually thought it will be just a normal conversation between us two pero sa nangyayari ngayon, hindi ko alam na malaki pala ang naging epekto kay Zion nang biglaang pag-alis ko. Akala ko, wala na siyang pakielam sa akin at akala ko, ang ikinagagalit lang niya ay ang tungkol sa pangloloko ko sa kanya. Hindi pa...

Hindi ko tuloy maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko ay napalabi nalang ako at kinokontrol ang mga nagbabadyang luha sa pagbagsak.

"Imagine a person close to your heart left without a word, what would you feel?" his voice was controlled yet calm.

Hindi ako sumagot. Pinaglaruan ko lang yung nakausling sinulid ng throw pillow na nadampot ko mula sa aking gilid. Para tuloy akong sinampal ng sariling konsensya. Ngayon ko lang na-realize na sobrang naging selfish ako. Hindi ko man lang naisip yung naramdaman ni Zion sa pag-alis ko three years ago all this time. All I thought was myself...

"Okay, hindi mo naman obligasyon na iinform ako na wala ka na sa Pilipinas. Na lumipad ka na pa-States nang hindi ko man lang alam at nalaman ko lang sa mga magulang ko at kaibigan mo. Oo nga naman, dahil sa nangyari, hindi mo na masasabing bestfriend mo ako at mas lalong hindi mo ako boyfriend pero, Misty..."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon