24. Tayo

165K 6.1K 5K
                                    

Chapter 24

"Nag-text si Kuya Wayne. Wala pala siya sa unit niya ngayon. Badtrip nga, e. Saan ba tayo pupunta?"

I just shot him a bored look kahit sa loob-loob ko ay tawang tawa ako. He was there standing infront of me outside the lift as if waiting for me to say anything.

"Akala ko ba nagtext?"

"Oo nga," nagtatakang sagot niya tapos inangat pa nang bahagya ang phone. "Nagtext nga siya. Bakit?"

"Nagtext pero kausap mo siya kanina? Yung totoo?" I tried to play it cool lalo na nung makita kong napaiwas ng tingin si Zion sabay tago ng phone sa bulsa niya. Hah! Gotcha!

"H-he texted me first... tapos tumawag din. Tsk. Anyway, ano, Misty? Saan tayo?''

Palusot pa. I wasn't born yesterday, Madrigal. Ngumisi nalang ako at napailing nalang ng ulo. "Tayo? Walang tayo. Ako lang, Zion.''

He frowned a bit and then his lips formed a small smile. "'To naman. Sama nalang ako sa'yo. Wala naman akong gagawin, e." Pumasok siya sa lift at bago pa niya ako tinabihan ay pinindot niya ang G button. "Ano? Saan ba tayo?"

I couldn't understand myself. Kanina, wala ako sa mood pero ngayon, kulang nalang ay magmukhang constipated ako sa kakapigil ko ng ngiti. Yung totoo, may topak ba ako?

"Eehh! Huwag ka na sumama. Magpahinga ka nalang sa bahay niyo, Zion." I looked at his face. He's obviously exhausted. Parang ngarag e.

"I'm not tired."

"Sus! Pawis na pawis ka nga tapos hinihingal pa. Tumakbo ka ba?"

Parang saglit na natigilan siya sa sinabi ko tapos pasimpleng tinignan ang sarili niyang reflection sa salamin sa likod namin. He anxiously ran his fingers through his hair before he faced me. "Nagmadali nga kasi ako. Akala ko, maaabutan ko pa si kuya dito. Yun pala, wala talaga siya dito. Badtrip..." inis na sambit niya.

I bit my lower lip to supress my grin. I'm trying to catch his eye pero hindi siya makatingin sa akin nang diretso. "Weh? 'Di nga?"

"Oo nga."

"E ba't 'di mo muna tinanong in the first place kung nandito ba ang kuya mo kaysa yung sumugod ka kaagad dito? Sayang ang energy, Zion."

"Okay lang. Nandito ka naman e," he said in a low tone that made me look to him. Napa-"Ha?" nalang tuloy ako. "Wala. Sabi ko, hindi naman sayang yung pagpunta ko kasi nandito ka naman pala. Makikikain nalang ako sa unit niyo. Nagugutom na kasi ako."

The smile vanished off from my lips and replaced with straight face. Akala ko naman kung ano na...

The elevator doors open as we reached the ground floor. Sinasabayan niya lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lobby.

"Ano? Pwedeng makikain sa unit mo?" pangungulit niya.

"Walang pagkain sa unit ni kuya."

"Oh, edi kain nalang tayo sa labas. Libre mo—"

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay hinarap ko siya't sinamaan ng tingin. "Libre your face! Umuwi ka na nga, Zion. May gagawin pa ako e. Next time ka nalang mangulit."

Tinalikuran ko siya at didiretso na sana palabas ng pinto nang humarang siya sa dadaanan ko. "Biro lang. Syempre libre ko! Ano, saan mo gusto?" tanong niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya muling hinarap nang may maliit na ngiti sa labi. He was staring at me with a hopeful expression. Okay, he looks cute right now.

"Zion, seriously, I want to be alone. Umuwi ka nalang, please? Get some rest o kaya mag-aral ka since exam na next week."

Umiling siya. "Ayoko pang umuwi. Walang tao sa bahay."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon