21. Just Kidding

157K 5.6K 1.3K
                                    

Chapter 21

"Fun pala ah..." I sarcastically said to Zion and then folded my arms across my chest after that so-called fun ride.

Natawa naman ako nang makita ang hindi maipintang mukha ni Zion. Seriously, nahilo talaga siya sa Drop Tower. Akala ko nga ay nagbibiro't nagkukunwari lang siyang natatakot habang nakasakay kami du'n kanina. E kasi naman todo comfort siya sa akin tapos siya naman pala itong takot sa huli! Yan tuloy, after nung ride ay sumalampak siya sa semento sapo-sapo ang ulo niya.

"Zion..." I called his attention. Naiinip na kasi ako. "Ano na? Hindi ka pa rin ba nakaka-recover sa pagkahilo?"

He didn't respond. Nanatili pa rin siyang nakatulala sa kawalan at tila ba lutang pa rin. Napasimangot nalang tuloy ako. Actually, kanina pa siya ganyan. Halos 20 minutes na rin ang nakalipas nang sumakay kami sa Drop Tower pero hindi pa rin siya fully-recovered.

"Zion naman e!" I frowned.

Finally, nakuha ko rin ang atensyon niya dahil nag-angat siya ng tingin sa akin. His hair was disheveled yet looking cool and his eyes looked fazed. Aww, kawawa naman ang bata...

"Okay na ako," malamyang sabi niya.

Excitement took over me again. Awtomatikong bumalik ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya at napatingin sa direksyon ng susunod na ride sa mental list ko ko. Ang Super Viking.

"Great! Dun naman tayo sa—"

Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko. "Pero ayoko ng mag-ride, Misty. I'm beat," seryosong aniya na nagpabagsak ng balikat ko.

"Ano ba yan! Ang weak nito!"

He took out a deep sigh, still eyes on me. "I'm not weak. Ayoko lang talaga sa mga rides na pagkatapos ka iangat ay ibabagsak ka. Walang sense. Tss."

I rolled my eyes as my response. Sus, as if naman sobrang taas ng Drop Tower.

"Just give me a minute and then we'll go."

Napapadyak na ako sa semento dahil sa pagkadismaya. "Ang aga-aga pa, Zion!" Tumingin ako sa direksyon ng viewing deck bago ulit bumaling sa kanya. "Wala pa ngang sunset, aalis na agad tayo?"

"Paano magkaka-sunset e makulimlim?" He snorted and my frown just deepened. Parang kanina lang ay gusto niyang sakyan namin ang Sky Eye kapag sunset na. What happened now?

"Eeeeh! Zion naman!" Kinuha ko ang kamay niya at bahagya siyang hinila patayo. Hindi ako papayag na umalis kami nang hindi nasasakyan ang Super Viking. "Last na talaga. Sakay na tayo sa Super Viking!"

Mataman niya akong tinignan kahit na medyo malamya pa rin siya. "Misty, medyo disoriented na ako ngayon. Kailangan kong magpahinga dahil sasalang pa ako sa filming para sa huling dance cover namin bago tayo umuwi mamaya."

Binitawan ko ang kamay niya. Abot yata hanggang Maynila ang nguso ko dahil sa disappointment. Para akong batang nakabusangot sa harapan niya dahil hindi napagbigyan sa gusto ko.

He looked so frustrated this time upon seeing me frown. "Ano na naman, Misty?"

"Last na kasi, Zion. Please?"

"Tsk."

My brows almost drawn together when he looked away. Ah, ganun!? " Fine! Kung ayaw mo, edi ako nalang mag isa. Wait mo nalang ako dyan ha?" paalam ko bago tumakbo palayo.

"What the— Misty!"

Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na siya nilingon. Dire-diretso ako sa Super Viking. Good thing, hindi masyado mahaba ang pila. Right timing pa dahil patapos na 'yong ride. As we entered the gate, my eyes directed at the highest aligned seats. Dun ang target kong pwesto kaya dun ako dumiretso!

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon