45. Ditch

54.3K 2.2K 1.1K
                                    

Chapter 45

"Nakita mo na ba yung bagong post ni Zion sa IG, tsong?"

Palabas na kami ng BA building nang tanungin iyon ni Eunice. I just gave her a clueless look kahit na para bang excited siya na sabihin sa akin kung ano 'yon. Mas lalo pa akong nagtaka nang para bang nagpipigil ng tili si Sab habang nakatingin siya sa phone niya.

"Anong meron?" Nilabas ko ang phone ko to check it myself pero pagproceed ko sa IG profile ni Zion ay wala pa namang ibang post. "Wala naman, ah."

"Dun sa public profile niya, Misty," sabi ni Sab.

Tumigil pa kami sa gilid para i-check kung ano nga iyon not until I realized na naka-block ako sa public profile ni Zion. Oo, hindi na nga naka-private ang account niya katulad dati kundi naka-block na ako!

"Patingin nalang, please..."

Pagkaabot sa akin ni Sab ng phone niya ay nagulat ako sa nakita ko. I could not even believe my own eyes. This scene was so familiar to me yet I don't even remember how this photo was captured. Para tuloy tumakbo pataas sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.

"Nothing to see here. Just MY GIRL hugging me."

Pagkabasa ni Sab sa caption ay nagtititili silang dalawa ni Eunice at nagtatatalon pa. Napasapo nalang tuloy ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko ay pulang pula na ako. Ni hindi ko alam na kinuhanan pala ni Zion ng mirror shot noong oras na niyakap ko siya habang nasa dance studio kami. Well, my face wasn't showing dahil nakatalikod ako sa salamin at nakasubsob ang mukha ko sa katawan niya pero kasi naman... Zion, how could you!

"Mukhang minarkahan ni Zion ang talagang kanya," sabi ni Eunice at hinampas pa ako sa braso. "Taray mo naman, tsong!"

"Hay, naku. Tigilan niyo ako. Kakausapin ko si Zion na i-remove 'yang post niya," sabi ko at naglakad na ulit pero itong sina Eunice at Sab ay hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar.

"Misty girl, 'wag na! Okay lang yan. Tignan mo, wala nang nagchichismis tungkol sa nangyari nung isang araw," sabi ni Sab kaya napatingin lang ako sa kanya. "Isang post lang ni Zion, tumahimik na agad ang mga chismosang palaka."

Napaisip tuloy ako. Kunsabagay, parang naging normal ulit ang lahat. Pagkatapos kasi nung nangyaring eksena na ginawa ko few days ago ay naooverheard ko pa rin sa paligid na tampulan pa rin ako ng chismis kahit na ni-clear ko na sa ilang chismosa sa campus at nagsisigaw pa ng 'I'm yours, right?' kay Zion tapos sumagot naman siya ng 'Yes, you're mine!'.

AAAAHHH! Teka nga, cringey! Bakit ko ba inaalala pa iyon?

"Misty, aminin mo nga sa aming dalawa ni Eunice. Kayo na ba?"

I gawked at Sab's question. "Hindi pa!"

"E bakit parang kayo na, tsong?" Si Eunice.

Napahawak ako sa magkabilang straps ng backpack ko nakasukbit sa balikat ko habang nakatingin lang sa dinadaanan namin. Here we go again with the same question!

"Kaya nga," Sab seconded doubtfully. "Hindi pa kayo pero kung kumilos kayo e parang kayo na."

"Label nalang yata ang kulang," sabi naman ni Eunice na nagpatango naman kay Sab. Napalabi nalang tuloy ako. "Wala pang kayo pero ang sweet niyo na. Paano pa kaya kung kayo na?"

"What's holding you back, Misty? Bakit ayaw mo pang sagutin si Zion? Nag-aalangan ka pa rin ba?"

Sab's question made me finally stop from walking. Humarap ako sa kanila at nagpakawala nalang ng malalim na hininga. "Hindi naman sa nag-aalangan ako. Mahal ko si Zion. No doubt about that pero..."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon