56. Flame

51.5K 1.8K 1.7K
                                    

Chapter 56

"SAKLOLO!!! TULONG!!!"

Paulit-ulit ang pagsigaw ko't pagkatok sa pintuan. Halos mapaos na ako sa kakasigaw pero parang wala ni isa ang nakakarinig sa akin. Kung kaya ko nga lang sirain ang doorknob ay ginawa ko na pero hindi ko magawa dahil bukod sa hindi ako ganoon kalakas ay nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo.

"Z-ZION!!!" Tuloy-tuloy na ang paghikbi ko. Wala ring patid ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi ko. My heart was pounding as cold fear spiraled through me.

Nakadagdag pa sa takot na nararamdaman ko ang ingay mula sa labas. Wala akong ibang naririnig kundi ang sigawan, hiyawan pati na rin ang mga maiingay na kalabog.

Sa sobrang takot ay naninikip na ang dibdib ko kung kaya naman ay napatigil na ako't idinikit ang noo ko sa pinto. Nahihilo't napapagod na ako. Wala na akong sapat na lakas para humingi pa ng saklolo.

Will this be the end of me?

Just before I lost hope in getting rescued, I heard a familiar voice outside. Sa una ay hindi pa malinaw kung kanino ang boses na iyon pero naging malinaw iyon marahil dahil tuluyan na siyang nakalapit.

"MISTY?!?" nag-aalalang sigaw nito.

Tila nabuhayan ako ng loob sa narinig. Kinalampag ko nang malakas ang pinto. "TULONG!!! TULONG!!!" I screamed at the top of my lungs.

"M-MISTY, SAGLIT LANG!" sabi nito bago ako nakarinig ng kalabog mula sa labas at kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto.

"Eunice!" bulalas ko nang makita siya. Feeling slightly relieved, I hugged her tightly. Kasabay nito ay mabilis na dumapo ang tingin ko sa direksyon kung saan ako nanggaling kanina— ang dance floor. Napsinghap ako nang mapagtantong nasusunog ang kabuuan ng bar.

I broke free from the hug. "E-Eunice anong nangya—"

"Kailangan na nating lumabas," she uttered firmly trying to hide the evident fear from her face and then she held my hand tightly.

My head was messed up bigtime as we were trying to get out safely from the burning blaze of the bar. Puno ng takot, pangamba at pag-aalala ang puso ko. Marami ring tanong ang nabubuo sa isip ko.

"Eunice, where's Zion?! Sina Reishel at Tyrone?! Nasaan sina Sab at Geoff?!"

"Hindi ko alam. Nagkahiwa-hiwalay kami, Misty..."

Kusang napaangat ang tingin ko sa pwesto namin kanina sa second floor. Wala ng tao ni isa roon. Sumiklab lalo ang takot sa dibdib ko nang mapansing lumalaki ang apoy sa direksyon niyon.

"Hanapin natin sila, Eunice!" sigaw ko.

"Misty, kailangan na natin lumabas!" Tatakbo sana ako patungo sa hagdanan pero agad niya akong hinigit.

"Eunice, baka nandito pa sila sa loob!"

Hindi niya na pinansin ang mga sigaw ko dahil hinila niya na ako patungo sa entrance door. Lumalaki na ang apoy sa paligid. Kumalat na rin ito hanggang sa backdoor. Maging ang daan patungo sa fire exit ay puno na ng apoy.

"Bilis, Misty!" natatarantang sigaw niya. Natatanaw ko na ang entrance. Ilang hakbang nalang ay tuluyan na kaming makakalabas kaya naman ay halos tumakbo na kaming dalawa. Ngunit napalingon ako nang biglang napabitaw sa akin si Eunice. Natalisod siya sa suot niyang high heels.

"AH! MISTY!" she cried in pain while touching her ankle.

Tutulungan ko sana siyang makatayo nang biglang may bumagsak sa pagitan namin dahil para sumiklab lalo ang apoy. The fire was intense that it made me fell on the floor.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon