29. Uwi Na Tayo

151K 5.4K 5.1K
                                    

Chapter 29

Dalawang araw na rin ang nakalipas nang mapag-alaman kong may pasikretong nagbabantay sa akin. Simula nang malaman ko tuloy ang tungkol dun ay naging conscious na ako sa bawat ikinikilos ko kahit hindi naman dapat dahil alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawang masama. But ugh, I can't help not to get anxious. I am so curious kung sinong nagbabantay sa akin.

"Sino naman nagmamanman sayo, tsong?" Napahinto si Eunice sa pagtitipa sa laptop niya at tinignan ako.

"Grabe naman yung term mo, tsong. 'Nagmamanman' talaga?" sabay hampas sa kanya ni Sab sa braso. "Malinaw naman na binabantayan lang si Misty for her own good."

As usual, wala na kaming klase kung kaya't may feasib sesh kami ulit ngayon at dahil naiinitan ako sa uniform ko ay nagdala ako ng pamalit na civilian. So, I'm wearing white pants and a pink printed top. Ganun din naman si Zion na naka-khaki shorts at white v-neck shirt na rin. Speaking of...

Zion was silently working with our chapter beside me. Ganyan yan. Simula pa kaning umaga ay tahimik na siya. Hindi naman siguro siya galit sa akin. Kinikibo naman niya ako, e. Matipid nga lang kung magsalita. Wala kaya siya mood? O baka naman dahil sa almost kiss namin last Saturday? Kung iyon man ang dahilan, aba, move on move on din! Ayokong maging awkward kami sa isa't-isa kaya nga kahit mahirap ay pinipilit kong umaktong normal na parang walang nangyari (kahit wala naman talagang nangyari!). Geez, hindi kaya ako pinatahimik ng eksenang iyon nitong weekend! Heaven knows how I tried to distract my thoughts by reading manga. Nakatapos nga rin ako ng dalawang anime movies kagabi para lang makalimutan iyon! Pero ganun pa man, may isang tanong ang pilit na gumugulo sa isipan ko;

Did he really want to kiss me? Why?

Ugh, dalawang tanong na pala 'yon! Magtigil ka nga, Misty! Kalimutan na nga, diba???

Anyway, habang abala kami sa ginagawa namin ay naikwento ko kina Sab at Eunice ang tungkol sa secret bodyguard ko kuno.

"I don't know. Nakakaloka lang isipin na may nagbabantay sa akin na taong hindi ko naman alam kung sino. May pa-hide hide pa ng identity. Mas lalo tuloy akong naco-conscious," sabay buga ko sa hangin out of frustration. "Ang OA naman kasi ni kuya. Hindi naman ganito ka-strict sa akin si Dad, e."

"Baka naman kasi nag-aalala lang sa'yo ang kuya mo," malumanay na sabi ni Eunice bago sumubo ng chips. "Diba sabi mo ikaw lang ang mag-isa dito sa Pilipinas? Yung kuya mo nasa Singapore at ang parents mo naman ay nasa States. Baka naman gusto lang ng kuya mo na maging safe ka habang wala sila. Alam mo na, something might happen lalo na't kapatid mo siya knowing that he was once a gangster..."

Sab nodded her head in agreement to Eunice's conclusion. "Yeah, tama si Eunice. Baka naman hindi ang pagiging strict lang sa'yo ang dahilan kung bakit ka pinababantayan ng kuya mo kundi para na rin sa safety mo."

Napanguso nalang tuloy ako sa pinagsasasabi nila. Matagal nang panahon nung gangster era ni Kuya Kurt and besides, never pa naman akong napahamak dahil sa kanya.

"Ah, basta." I groaned in frustration. "Ang weird lang na may nagbabantay sa akin. Kaya pala hindi ako kinakamusta ni kuya kasi may nag-a-update sa kanya about me."

Sa katunayan ay updated din si kuya kung anong pinagkakaabalahan ko lately which is ang feasib namin. He even told me na huwag magpapagabi sa campus at dalhin nalang ang feasib buddies ko sa unit niya at dun ito ipagpatuloy. That only meant one thing at iyon ay kung nasaan ako ay nandun din ang bantay ko. Baka nga ngayon ay nasa paligid ligid lang siya!

"Ang sweet nga ng kuya mo, e. Sana ganyan din ang kuya ko," sabi ni Sab na medyo naglungkot-lungkutan.

"Minsan mo lang mabanggit ang kuya mo," sabi naman ni Eunice kay Sab. "Hindi kayo close 'no?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon