47. French Kiss

53.9K 2.1K 1.6K
                                    

Chapter 47

Medyo nakaramdam ako ng pagkabahala dahil sa paraan ng pagtingin sa akin ni Eunice kanina. Kanina pa ako tahimik at panay ang sulyap sa right side ko kung saan nakaupo sina Tyrone at Eunice. Hindi nag-uusap ang dalawa dahil mas pinili ni Tyrone na magbasa ng manga o 'di kaya ay matulog habang nasa byahe kami kaya naman walang choice si Eunice kundi ang matulog.

Galit kaya siya sa akin? By how she looked at me from head to toe and smiled in a lop sided manner earlier, it seemed that there was something running in her mind against me o baka napapapraning lang ako? Never pa niya kasi akong tinignan ng ganun. Hindi ako sanay. It made me feel strange for some reason.

Sa sobrang pagka-occupied ko sa kakaisip kay Eunice ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa Baguio. It only occured to me when the bus parked on the sidewalk and our classmates started to shout in excitement. It turned out na pagbibigyan kaming gumala around Wright Park at The Mansion ng isang oras bago raw kami dumiretso sa Retreat House.

Nauna kaming lumabas ni Zion ng bus bago sina Geoff at Sab na halatang napaka-hyper.

"Ang galing! Ang lamig," tuwang tuwang sabi ni Sab habang inaayos ang suot niyang jacket tapos tumingin siya sa akin. "Misty, bakit hindi mo suot yung sayo?"

"Well, the cold never bother me anyway." Medyo kinanta ko pa yon para biruin siya.

"Taray! Elsa ka, girl?"

"TJ!" Napalingon kami nang marinig namin ang boses ni Eunice mula sa pinto ng bus. Mukhang hindi pa lumalabas si Tyrone kaya niya ito tinatawag. "Tara na kasi..."

"Bakit? Ayaw niya gumala?" tanong ni Zion.

Umismid si Eunice. "Ewan ko dyan. Matutulog daw siya."

Habang kinukumbinsi ni Eunice si Tyrone na lumabas ay lumapit ako sa labas ng bintana kung saan siya nakapwesto. Sakto ay nakatingin din siya sa bintana kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"Tara!" sigaw ko sa kanya kahit na alam ko na hindi niya ako maririnig mula sa loob. Sinenyasan ko pa siya na bumaba na ng bus. Umiling lang siya kaya nilabas ko ang phone ko para itext siya tutal naman ay hindi niya ako marinig.

To: Tyrone John

Sumama ka na. We'll wait for you here. Di kami aalis hangga't di ka bumababa dyan. Sayang ang gala.

Sakto na pagka-send ko nun, narinig ko na nagsalita si Eunice mula dun sa pinto ng bus.

"Guys, hindi na rin ako mamamasyal."

"Ano ba yan," Sab stomped her foot on the ground. "Tara na kasi!"

"Hindi na. Ayaw ni TJ, e. Para may kasama na rin siya dito sa bus."

Geoff faked a cough. "May hindi ba kami nalalaman? Kayo na ba?" tanong niya kaya sinamaan agad siya ng tingin ni Sab.

Tumawa lang si Eunice. "Hindi. Ano ba kayo," sabi niya at tila humampas pa sa ere. "Kawawa naman siya. Mag-isa dito sa bus. Sasamahan ko nalang si TJ."

"Baka ma-fall kayo sa isa't isa nyan, ah." Pasimple kong pinaningkitan si Zion dahil sa sinabi niya. Gumatong pa talaga! Tumawa lang naman siya. Ni hindi man lang nadaan sa tingin ko. "Ingat, Eunice. Baka hindi ka saluhin."

"Ano ba kayo! Tropa lang kami nyan ni TJ," she said while giggling awkwardly. "Osya, sige na. Sayang ang oras niyo. One hour lang daw. Dito nalang kami—"

"Tara na." Tyrone suddenly appeared behind her. "Excuse me," sabi nito at nilagpasan siya't dire-diretsong bumaba ng bus.

"Oh, 'kala ko ba hindi ka sasama?" tanong ni Sab sa kanya.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon