22. No Big Deal

154K 5.8K 1.9K
                                    

Chapter 22

"Very good presentation. Halatang pinaghandaan niyo nang mabuti," our professor complimented as soon as we closed our report. Ngumiti ako nang bahagya sa kanya at saglit na napatingin kay Zion. Agad din naman ako nagbawi ng tingin nung magtama ang mga mata namin. "Anyway, your exams will be next week. Review chapters one to seven. Hanggang dito sa report nila."

Matapos ang puspusang pag-aaral ng topic namin nitong weekend ay natapos din ang report namin nang matiwasay. Nakita ko pang nag-thumbs up sa akin sina Sab at Eunice nung bumalik ako sa upuan ko. Nung mapansin kong bumalik na rin si Zion sa katabi kong upuan dala-dala ang laptop niya habang nagsasalita pa rin ang aming professor ay tinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa harapan.

"Good job, Misty," I heard Zion say.

I tilted my head to his direction and smiled fakely to him. Wala ako sa mood kausapin siya kaya ngiti nalang. Sabay dedma.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Zion pero hindi ko na iyon pinansin. Sa nangyari kagabi, medyo nakaramdam ako ng pagtatampo sa kanya. Ano bang meron sa kina Sab at Eunice at parang ang laki naman yata ng galit ni Zion sa kanila? I better find it out myself. Nilabas ko ang phone ko't pasimpleng nagtype ng message kay Eunice.

Me: Sasabay ako sa inyo mag-lunch.

"Class dismissed."

As soon as the professor dismissed the class, I immediately grabbed my bag and stood up. Lalapit na sana ako sa pwesto nina Eunice at Sab nang mabilis na tumayo si Zion at humarang sa harapan ko.

"Saan mo gustong kumain?" Zion asked with uncertainty in his voice. "Tara sa The 13th District? My treat. Tutal maayos naman ang naging resulta ng report natin."

"Sasabay ako kina Sab at Eunice e."

As if on cue, napalingon sa amin ang dalawa. Eunice probably just checked out the sms I sent to her dahil hawak niya pa ang phone niya. Sinenyasan ko sila na maghintay at tumango naman sila sa akin. Sab even mouthed 'hintayin ka namin sa labas' kaya tumango nalang ako. And now, I am left alone with Zion in this classroom.

Zion, on the otherhand, looked at me with a glower as he put his hand on his pocket. "Wait, Misty. Galit ka ba sa akin?"

Ngumiwi lang ako. Hindi ako galit. Nagtatampo lang.

"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit?" I tried to sound as casual as possible pero hindi ko mapigilan ang bahid ng pagtataray sa tono ko.

"Then why are you giving me the cold shoulder?" iritadong tanong niya.

"Hindi nga ako galit, Zion. Ang paranoid nito."

"Sure?" His expression softened slightly at my reply.

Umirap ako at napailing nalang ng ulo. "Ang kulit naman e. Sabi nang hindi ako galit!" Makiramdam ka namang lalaki ka!

"Okay. Akala ko naman galit ka talaga. Kanina ka pa ganyan e." Ngumiti siya at tinanguan ako. "Tara. Ikain nalang natin yan-"

"Sasabay nga ako kina Eunice at Sab," I cut him off. Napatigil tuloy siya sa paglagpas sa akin. The frown returned on his face again as he turned his head back to me. "We'll discuss something about OUR feasib, Zion. Mauuna na ako sa'yo."

His disappointed expression as he looked to me kinda made me guilty but I ignored it anyway. Ganyang-ganyan ako kagabi nung ni-reject niya ako nung tinanong ko siya kung pwede ba siyang maging groupmate namin!

"Okay," tumango siya at para bang sinubukang maging kaswal pa rin. "Sabay nalang tayo umuwi mamaya. Daan tayo sa coffee shop ni Kuya Wayne. Gusto ka kasi niyang makita."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon