38. Love Drunk
Parang near death experience yung feeling ko sa nangyari kanina sa library. I know, OA, pero kasi first time kong kabahan ng bonggang bongga. Na para bang lalabas na yung puso ko sa katawan ko dahil sa pag-confess ni Zion kanina sa library. Idagdag pa yung kiss niya sa tungki ng ilong ko. Feeling ko tuloy ay namanhid ito! Anyway, thanks to Geoff sa pagsita niya sa amin with his litanyang;
"Sumusuporta naman ako sa inyong dalawa pero please, 'wag naman dito sa library. Observe silence..."
If not for Geoff, baka nagliyab na ang mukha ko sa paraan ng pagtitig pati ang sobrang lapit ni Zion sa akin. In-invade niya ang personal space ko, bes! Tinakasan ako ng oxygen! He could be my cause of death. Pero hindi... I need to continue breathing para sa future naming dalawa. Joke.
So ayun, I took the chance when Geoff interfered our little scene at the library at saka ako tumakbo palabas. Mabuti nalang ay hindi na ako sinundan ni Zion. In the meantime, nasa isang maliit na milktea house ako na located malapit sa E.H.U. Gusto ko mang umuwi dahil antok na antok na ako ay hindi ko magawa dahil ayoko pang umuwi. I'm afraid that Zion will come to my unit. Ayoko muna siyang makaharap. Hindi ko pa keri!
Habang sinisimsim ko ang wintermelon flavored milktea ko ay binabasa ko ang mga text messages sa akin ni Zion.
Zion: Misty, where are you?
Zion: Uy, saan ka ba?
Zion: Para 'tong ewan. Pinagtataguan mo ba ako? Haha
Zion: Yiee. Nahihiya siya sa akin. :P
Zion: Seryoso, nasaan ka nga?
Zion: Reply.
Zion: !!!
Zion: Wala ka pa sa unit mo ah. Where are you?
Zion: ???At limang missed calls pa galing sa kanya. Napabuntong-hininga nalang tuloy ako. Ayoko pang umuwi. Huhu. Nahihiya, naiilang, naloloka ako kay Zion. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag kaharap siya. It would never be normal again between us. Teka, ang gulo ko. Parang kailan lang, in-admit ko pa sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Ngayon namang alam ko ng mutual ang nararamdaman namin ay para akong shunga na iiwas-iwas. Geez, ang gulo ko.
"Misty?" Nilingon ko yung tumawag sa akin only to find out na si Reishel pala iyon na kakapasok lang ng milktea house. "Ba't nag-iisa ka yata?" tanong niya at dumiretso na sa counter para mag-order.
"Ah kasi..." Hindi agad ako nakasagot kaya nilingon ako ni Reishel at tinaasan ako ng isang kilay. "Uhm... Ayoko pa umuwi."
"Nasaan si Zion?"
Medyo napangiwi ako. Just the mere mention of his name made my heart react wildly. "M-may ginagawa siya." Tumikhim ako. "Uhm... Reishel?"
Binanggit niya muna ang order niya sa cashier bago niya ako tinabihan sa upuan. "Hindi pa rin ba tapos yung issue niyo ni Zion?" she asked as she shot me her look full of suspiscion.
Bahagya akong sumimangot at kasabay nu'n ay nag-flashback na naman sa isip ko yung eksena namin ni Zion sa library kanina in a time lapse version. Nag-init tuloy ang buo kong mukha.
"H-hindi. Tapos na yon."
"Weh?"
"Oo nga..."
Pinagkibitan niya lang ako ng balikat. "Okay. Sabi mo e," sabi niya at pinuntahan ang in-order na milktea sa cashier dahil tinawag na ang pangalan niya. Pagkakuha ay kumaway na siya sa akin. "Misty, mauna na ako sa'yong umuwi," sabay ngiti niya.
Hindi ko alam kung bakit nataranta ako nung patungo na siya malapit sa pinto. Feeling ko mababaliw ako pag sasarilinin ko itong nangyayari sa akin. At sa katunayan, kung may nakakaalam man ng feeling ko towards Zion, iyon ay si...
"Reishel!"
Mabilis niya akong nilingon. Halfway open na ang pinto at palabas na rin siya. "Bakit?"
BINABASA MO ANG
[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)
Teen Fiction"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*