5. Step by Step

213K 8K 3.1K
                                    

Chapter 5

Seryoso talaga akong gagawin ko ang lahat para makabawi kay Zion. Hindi ako matatahimik hangga't hindi niya maramdaman ang sincerity sa apology ko. I am truly sorry for what I did. Hindi ko namang intensyong saktan siya. It just happened that things weren't in our favour three years ago. Nagkasakit pa si Dad kaya kinailangan kong umalis ng bansa. Ang pagkakamali ko lang talaga ay hindi ako nakapagpaalam kay Zion bago ako umalis. Pero paano ko yun magagawa kung galit nga siya sa akin noon dahil sa deal namin ng parents niya in the first place?

Geez, nagkapatong-patong tuloy ang issues naming dalawa.

Monday. Today's the first day of class at pinaghandaan ko talaga itong araw na ito para kay Zion. Actually, gumising ako ng 6am para lang ipagluto siya ng lunch. Naisip ko, dapat nga step-by-step ang pag-approach ko sa kanya. Hindi ko siya dapat piliting patawarin ako para hindi niya ako lalo kagalitan. Tama... step-by-step muna at ang unang step ay mapangiti siya.

I was in the middle of putting the food I cooked in the plastic container when I heard a deep voice behind me.

"Good morning, Misty," aniya na halos magpatalon sa akin sa gulat. Paglingon ko ay nakita ko si Kuya Kurt na bihis na bihis na sa kanyang corporate attire. His eyes switched to the packed lunch I'm preparing and his brows creased. "Magbabaon ka?"

Nataranta ako bigla. Geez, baka kung anong isipin pa ni kuya kapag sinabi kong pinagluto ko ng lunch si Zion. "U-Uh, yeah. Makakatipid kasi ako kapag nagbaon ako, 'di ba?"

He threw to me his weird look. "Come on, you don't need to pack lunch. Bibigyan naman kita ng allowance," sabi niya sabay labas ng kanyang wallet sa bulsa niya. Inabutan niya ako ng dalawang five hundred. Ayos!

"Salamat, kuya. Nasanay kasi ako sa States. Lagi akong nagbabaon," dahilan ko nalang. Tinapos ko muna ang pagpapack ng lunch bago hinarap ulit si kuya. "Aalis ka na ba, kuya? Anong oras na ba?"

"Past 8..."

Napasinghap ako ng malakas at natulala nalang sa kawalan. 9:30 am pa naman ang first day of class namin. Magpe-prepare pa ako ng sarili tapos babyahe pa. Gosh, I can't be late or else I might fail my plans for today.

"Maliligo na ako, kuya," sabi ko at nilagpasan siya. Palabas na ako nun ng kitchen nang lingunin ko ulit si kuya. "Kuya, I'm worried na baka 'di na kasya ang uniform ko sa akin. It's been three years!"

Feeling ko, nawiwirduhan na talaga si kuya sa akin. Grabe na kasi yung pangungunot ng noo niya. "Kung 'di magkasya, kumuha ka nalang ng bagong uniform sa office."

"Okay. Thanks, kuya!"

Natatarantang lumabas ako ng kitchen at dumiretso na sa hagdanan nang marinig ko pang may pahabol na sinabi si kuya. "Misty, what the hell's going on with you? What's with the rush?"

I was panting a bit when I looked to him. There's no way I can tell him. He's a paranoid brother. He'll misunderstand everything. Buti pa si Daddy. "W-Wala, kuya. Bakit?" I awkwardly smiled and his forehead creased even more. "Come on. Natataranta lang ako kasi feeling ko, back to zero na naman ako. Malaking adjustment na naman para sa akin ang pagbabalik sa E.H.U."

Saglit niya pang tinitigan ang mukha ko bago tumango sa akin at sinenyasan ako na umakyat na. "Fine, then. Hurry up. I'll drop you to the university-"

I cut him off. "Kuya, 'wag na!"

That frown returned from his face again. "Why?"

"M-Mamaya pa ang klase ko."

Hala, nairita ko na yata si kuya. Halata na sa mukha niya. "Then why the hell are you on a hurry?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon