43. Hampas

58.2K 2.1K 1.5K
                                    

Chapter 43

"R-Reishel, buntis ka?"

Halos huminto ang oras sa biglaang paglabas ni Sab mula sa isang cubicle. Shock was registered on her face. Kung paano nangyaring nasa loob siya ay hindi ko na alam. She must have been there before we even got here.

"Sab—" Nilapitan ko siya para pakalmahin pero hindi niya ako pinansin.

"P-Paanong— paanong nangyari 'yan? Sino ang ama? Hindi ba wala kang boyfriend?" Tuloy tuloy na tanong niya na punong-puno ng pagtataka. Her dark eyes studied Reishel intently.

Yumuko lang si Reishel. Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang marinig ang impit na paghikbi niya. There was nothing else in my mind but to pull Sab away from Reishel at that moment because the atmosphere was getting tense and hostile.

"Sab, let's just go. Hayaan muna na—"

"Si TJ."

Nagulat ako sa pag-amin ni Reishel. Her voice was as hard as stone. Hinawakan ko si Sab sa pala-pulsuhan niya pero mabilis niya akong tinabig. "Paano nangyari 'yon? Hindi naman kayo ni TJ, 'di ba? Sabi mo busy ka sa Law school kaya..."

Reishel gave a long sigh, meeting Sab's gaze. "Boyfriend ko si TJ, Sab."

"So, nagsinungaling ka sa amin ni Eunice? Ang tagal na natin magbabarkada pero nagawa mong itago sa amin ito? At saka, Reishel, paano mo nagawa 'to? Alam mo naman yung nangyari kina Eunice at TJ, 'diba?"

A sob tore from Reishel's throat. Sab let her gaze fall sternly at me.

"At ikaw, alam mo ang tungkol dito, Misty?"

"Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Sabrina..."

Napailing siya ng ulo bago tumawa ng sarkastiko. "Kaibigan ba talaga kayo? Mga sinungaling kayo!" She shouted befre she got out and slammed the door close.

"Sabrina!"

Hinabol ko siya palabas at ganun din si Reishel. She was too fast that I could not reach her pace. Nakasalubong ko pa si Geoff na takang taka sa nangyayari.

"Misty, anong nangyari?" Si Geoff.

Hindi ko siya sinagot at nilagpasan lang siya. He was about to run after Sab as well when I heard Reishel's voice from behind. Paglingon ko, nakasalampak na siya sa sahig.

"Reishel! Oh my God!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Inangat ko ang ulo niya sa hita ko at marahang tinapik ang pisngi niya. "Reishel!! Tulong!"

And then I saw Geoff stopped from running. Ilang metro na ang layo niya mula sa kinaroroonan namin. Nilingon niya kami. Nagtataka kung sino ang pipiliin: Kami ba ni Reishel o si Sab? Pero sa huli ay tumakbo siya palapit sa amin.

"Geoff, dalhin natin siya sa clinic!"

Walang pagdadalawang isip na binuhat niya ang walang malay na si Reishel sa kanyang mga bisig at itinakbo sa clinic.

**

To: Zion
Zion, busy ka ba? Pasundo naman dito sa clinic. Thank you.

Pagka-send ko ng text message kay Zion ay lumabas ako ng clinic para humarap kay Geoff. Binigyan ko ng privacy ang nurse para i-check si Reishel. They must've needed that.

"Geoff," sabi ko paglabas ko ng pinto ng clinic para makuha ang atensyon niya. Nakatutok kasi siya sa phone niya. "Thank you sa pagtulong sa"

Ibinulsa niya ang phone niya at humarap sa akin. "Wala 'yon. Anong nangyari kay Reishel? Baka madalas magpuyat kaya nahilo't nawalan ng malay."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon