8. Adobo't Pancakes

203K 6.9K 3K
                                    


8. Adobo't Pancakes

"Nakakainis!"

Nagkatinginan nalang ang dalawa nina Sab at Eunice dahil sa outburst ko bago ako sabay na sinimangutan. Hindi pa rin kasi ako maka-get over sa chat namin kagabi ni Zion. Nabobother talaga ako. Paano kung hindi lang iyon 'yong picture ko sa kanya na natutulog? Paano kung may nakanganga pa ako du'n? Paano kung gawan pa niya ako ng memes? Sikat pa naman siya online. Madali nalang para sa kanya ang gawin iyon. Argh, nakakaparanoid tuloy!

"Uy, Misty. Kalma lang..." Eunice folded her arms across her chest while looking at me. Parehas silang nakatayo ni Sab habang ako naman ay nakapangalumbaba sa arm chair ko. "Huwag masyadong ma-bother."

"Oo nga, Misty. Keri lang yan. Patingin nga ulit," ani Sab habang nakalahad ang kamay kaya inabot ko sa kanya ang phone ko na naka-open pa sa messenger namin ni Zion. "Hindi naman chaka, e. Ang cute mo nga dito."

"Kaya nga. How I wish na ganito rin ang itsura ko habang natutulog," segunda naman ni Eunice na nakikitingin din sa picture ko. "Seryoso, walang dapat ika-bother dito. Tama si Sab. Ang cute mo kaya dito."

"Lakas lang talaga makaasar nyan ni Zion. At saka, tsong..." Naupo siya sa tabi ko at habang hawak ang phone ko ay tinuro niya ang picture ko. "Isipin mo nalang na nag-effort pa talaga si Zion na piktyuran ka, ah. Aba, kung ako siguro siya at galit ako sa'yo, bakit kita pag—aaksayahan ng panahon na kuhanan ng stolen photo?"

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko sa sinabi ni Eunice. Kinuha ko ang phone ko mula sa kanya at tinitigan iyong picture ko. Actually, hindi naman talaga ganun ka-chaka yung picture ko. It's just that naisip ko lang siguro na ang pangit ko dito dahil sinabihan nga ako ni Zion ng 'pangit'.

"Baka kasi he found you cute while you were sleeping. Naks, pretty naman kasi talaga ni Misty. Biro mo nagkaroon ka ng space sa gallery ng isang France Zion Madrigal? Pak ganern!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti sa sinabi ni Sab. Whether they're just saying this to comfort me or not, they still got a point. Oo nga, 'no. Bakit nga ba ako nabobother? Siguro kasi nako-conscious talaga ako sa tuwing involved si Zion sa usapan.

"At isa pa, 'di ba sabi mo sinundan ni Zion ang sinasakyan mong taxi kagabi?" Tumango naman ako sa sinabi ni Eunice. Unti-unti nang nagsisipagpasukan ang mga classmates namin sa classroom. "Ibig sabihin nun, may pake pa rin siya sa'yo."

"Naisip ko rin yan kagabi, Misty. Kung wala siyang care sa'yo, bakit pa siya nag-bother na kunin ka mula sa taxi'ng 'yon? Ang dali-dali lang na pabayaan ka mula palang dito sa campus e."

Hinampas ni Eunice si Sab sa braso. "True! Pabebe lang 'yang lalaking 'yan. If I know, kaunting chenes mo lang dyan, bibigay din yan. Pride lang niya ang pumipigil sa kan——"

Natigilan siya saglit nang sikuhin siya ni Sab. "Speaking of..." aniya at may inginunguso sa pinto. Nang makumpirma kong si Zion iyon ay biglang umakto ng kaswal ang dalawa. Naupo sina Sab at Eunice sa kaliwa ko habang ako naman ay sinundan ng tingin si Zion. As usual, may nakasampay na naman na earphones sa balikat niya at tila isang ramp model kung makalakad kaya hindi na ako nagtataka kung bakit agaw atensyon siya.

"Girls, punta na ako sa kanya ha?" paalam ko at saka tumayo na.

Bago pa ako tuluyang maglakad palayo ay narinig ko pa ang side comment ni Sab. "Lalaki ang ulo nyan sa kakasuyo mo, Misty."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon