11. Level Up

206K 7K 2.2K
                                    

Chapter 11

Hello, February!

Ang ganda ng bungad ng February sa akin. Pagkagising ko palang sa umaga ay sobrang gaan ng katawan ko at naging madali para sa akin ang bumangon sa kama nang hindi nabubugnot. E paano ba naman kasi, today is the day that I've been waiting since Saturday! Ngayon ko lang naman dadalhan ng pagkain si Zion na for the first time ay ni-request niya sa akin.

Actually, it feels surreal. Ang OA ko, I know, pero waaah! This is the start of something new. Feeling ko, ito na talaga ang simula ng pagbabati namin ni Zion. As in, itong ito na talaga. Dahil tuloy sa naisip ko ay super na-excite at na-motivate ako na magluto na tipong parang gusto ko nang hilain ang araw at mag-Monday na. Pakiramdam ko kasi, ang bagal ng oras!

At ito na nga, Monday na. Gumising ako ng maaga para ipagluto ng Chicken Afritada si Zion for our lunch. Mukhang na-carried away nga yata ako sa pagluluto at hindi ko namalayan yung oras. 9:30 nga pala ang klase ko kapag Monday pero 9:15 ako umalis ng bahay. So, ang ending, heto ako ngayon at hingal na hingal sa harap ng pinto ng classroom namin.

"Geez, late na ako..." Yan nalang ang nasabi ko sa sarili nang sa pagsilip ko sa rectangular na salamin ng pinto ay nakita kong may nagrereport na sa harapan. Malamang late na talaga. Five minutes before 10 na kaya.

I pulled out a few deep breaths before I pushed the door open. Baligtad nga e, dahil nauna ko pang binuksan ang pinto bago kumatok. Nagtinginan tuloy ang buong klase sa akin. My knees suddenly turned noodles.

"G-good morning, Sir. Sorry, I'm late."

Tumango man sa akin ang masungit na prof ay may halo namang pagkunot ng noo. Ngumiwi ako at tuluyan nang pumasok. Didiretso sana ako sa usual spot ko sa tabi nina Eunice at Sab nang mahagip ng mata ko si Zion... na inalis ang kanyang bag sa katabing upuan at pasimpleng inginuso sa akin ang pwesto.

Is he telling me to sit beside him? OMG.

Napako tuloy ang dalawa kong paa sa sahig. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Kina Eunice ba o kay Zion? Sandali akong natigilan kung hindi lang umeksena ang prof.

"Ms. Lee, aren't you going to take your seat? You're interrupting the class."

Yumuko ako at napakagat nalang sa ibabang labi. "Sorry, Sir," I said apologetically and turned directly to Zion's direction. Kitang-kita ko tuloy ang pagtataka ng dalawa sa paglagpas ko sa pwesto nila. Hala. Sorry, girls. I-eexplain ko nalang later. For now, kay Zion muna ako.

Speaking of... Pagkaupo ko sa tabi ni Zion ay sinabihan ng prof na magpatuloy na ulit sa pagdidiscuss ang mga reporters. Huminga ako ng malalim habang pinapaypayan ang sarili gamit ang palad ko dahil hinihingal pa rin ako. I was busy calming my own breathing when Zion handed me a tumbler. Tinignan ko siya nang may pagtataka.

"Oh..." His face looked so serious and uninterested while he extended the tumbler closer to me.

"Huh?"

"Uminom ka," utos niya. "Pulampula ang mukha mo..." Kaswal ko naman iyong tinanggap kahit na sa loob-loob ko ay mas lalong nag-react ng bayolente ang puso ko. Gosh, this is his tumbler for the love of mankind! Nagle-level up na kami!

Pasimple akong uminom sa tumbler niya dahil ayokong masita na naman ng prof. Hindi pa iyon naiinuman ni Zion dahil wala pang bawas. Nang makakalahati ay sinauli ko sa kanya ito sabay ngiti.

"Salamat," I whispered to him, calmly this time.

Pagkatapos nun ay tumingin na ako sa harap para sana pakinggan ang mga reporters pero hindi ako makapag-concentrate sa kadahilanang sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong ininuman din ni Zion yung tumbler niya. Napalunok tuloy ako at inayos ang buhok paharap para ma-distract sa nakita pero sheesh, ininuman niya talaga e! Naubos pa nga niya.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon