10. I Quit

184K 7.4K 2.4K
                                    

10. I Quit

Seryoso ba talagang pinapapili niya ako sa kanilang dalawa ni Tyrone? I mentally smirked at myself. Ah, ganun pala. Nagegets ko na ang sitwasyon namin. Kapag lumalapit ako, siya itong lumalayo. Kapag lumalayo naman ako, kusa siyang lumalapit.

Hayy. Naku, Zion. Why don't you just forgive me already?

"Tinatanong pa ba yan?" I asked in my most sarcastic tone. His frown deepened. "Si Tyrone ang kasama ko pagpunta dito kaya sa kanya rin ako sasama pag-uwi. At isa pa, may gagawin pa kami e. 'Wag ka nga!"

Tatalikuran ko na siya kung 'di lang siya ulit nagsalita. "Umuwi na yun malamang..."

"Hindi, 'no. He won't leave me," nakasimangot kong sagot at naglakad na palayo. Nang makalayo-layo ay pasimple ko pang nilingon si Zion pero wala na siya sa pwestong pinanggalingan ko. Mukhang umalis na yata. Tss. Para talaga siyang kabute. Kung saan-saan nalang sumusulpot tapos biglang mawawala!

Binilisan ko nalang ang lakad ko pabalik sa Hypermarket. Actually, kinakabahan talaga ako e. Base kasi sa pag-uusap namin ni Tyrone nung tinawagan ko siya kanina ay mukhang sang-ayon pa siya sa ideyang kasama ko si Zion. Hindi ko man lang nasabi na babalikan ko siya sa Hypermarket dahil naputol na ang tawag. Hindi ko na siya ma-contact dahil lowbatt na raw siya. Hindi ko rin naman alam yung number ng spare phone niya. Ugh, paano kung inisip nun na hindi na kami tuloy sa cooking lesson namin ngayon at dumiretso na pauwi? I am dead. Walang laman na pera ang bulsa ko kahit isang singkong duling.

But on a second thought, hindi naman siguro ako nun iiwan. Magkasama kaya ang bag namin sa package counter. Malamang ay nandun pa iyon.

Nang makarating ako sa Hypermarket ay didiretso sana ulit ako sa loob nang binalingan ko ng tingin ang package counter. Itanong ko kaya muna kung nandun pa ang bag namin ni Tyrone? Kapag nandun pa, ibig sabihin ay nasa paligid pa si Tyrone.

"Kuya, excuse po!" sabi ko sa kuyang nag-aasikaso sa package counter. Mabuti walang pila kaya hindi hassle.

Lumapit siya sa counter. "Yes po, Ma'am?"

Pasimple kong inilibot ang tingin sa bawat shelf sa counter, hoping I might see my bag. "Nandyan pa po ba yung back pack na kulay pink? Kasama po yun ng..." I paused, remembering Tyrone's bag. "Itim na Jansport back pack?"

"Yung number card niyo po, Ma'am?"

I pouted my lips as my answer. "Ay, wala po sa akin e. Nasa kasama ko po. Iche-check ko lang kung nandyan pa o nakuha niya na."

Hinanap niya naman iyong dinescribe kong bag. Sa kaliwa, sa kanan. Sa taas, sa iba. Sana nandyan pa—

"Wala na po dito, Ma'am e. Na-claim na po."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni kuya. Then, I felt a rush of panic in my system. OMG, ibig sabihin iniwan nga ako ni Tyrone?!

"Weh? Kuya, wala talaga?" Humilig ako sa counter at sumilip pa sa mga shelf. Baka kasi naduling lang si kuya at nandito pa pala ang bag ko. "Paki-check naman po ng mabuti, please..." Hindi pwedeng nakuha na ni Tyrone 'yon!

Halata na sa itsura ni kuya na naiirita na siya sa akin. Mas lalo tuloy nalukot ang mukha ko. Paano ako makakauwi nito? Nasa bag ko ang wallet ko!!

"O, ano? Wala?" said a mocking voice at my back. Nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang 'wala-kang-ibang-choice-kundi-sumama-sa-akin' smile ni Zion. Akala ko ba umuwi na siya?

I gritted my teeth when his mocking smile turned into a teasing smirk.

"Nasaan na yung pinagmamalaki mong 'di ka iiwan? Umuwi na?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon