15. In The Mood

181K 6.7K 3.3K
                                    


15. In The Mood

Natahimik ako. Literal na natahimik sa huling sinabi ni Zion. Ni hindi ko na nga nagawang maibuka ang bibig ko para tanungin kung anong ibig sabihin nung sinabi niya sa akin. At hindi ko na rin naman gustong alamin dahil gusto ko na ring patahimikin ang utak ko. I should've not asked him about the cookies and milk. Malay ko bang sasagutin niya 'yon? Ayan tuloy, natameme ako ngayon.

Pero in fairness, parang hindi lang din naman ako yung tahimik sa aming dalawa. Actually, pati nga siya ay hindi na rin nagsalita matapos nung eksena namin sa clinic. Ang lakas ng pakiramdam kong kagaya ko ay naiilang din siya sa akin. Did he mean it anyway or was it just a slip of the tongue?

"Nandito na tayo..."

Napakurap ako ng mga mata nang marinig ang sinabi ni Zion. Nakatulala naman ako sa bintana pero hindi ko napansin na nasa subdvision na pala namin kami. Why so lutang, Misty?

I consciously fixed my hair as I straightened up. Then I took a quick glance on him, "Salamat sa paghatid..." He didn't even reply. He looked too serious while staring at the steering wheel he was holding.

Tumikhim pa ako para agawin ang atensyon niya pero hindi siya matinag. Oh, well. He must be in deep thoughts. Napakibit-balikat nalang ako at bubuksan na sana yung pinto para makalabas na't makahinga na nang maluwag nang magsalita si Zion.

"Ako na."

Nilingon ko siya't napa-"ha?" nalang pero huli na dahil naabutan ko siyang papalabas na ng kotse. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin habang umiikot sa labas at ilang segundo lang ay pinagbuksan na niya ako ng pinto sa side ko.

"Come on," aniya habang nakayuko para silipin ako sa passenger's seat.

Para tuloy akong naestatwa sa kinauupuan ko. As in, natulala nalang ako sa kanya. Whoa. Si Zion, pinagbubuksan ako ng pinto? Isa itong kababalaghan.

"Misty, bababa ka ba o hindi?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagsususungit niya kung kaya't bumaba na ako at saka niya inabot sa akin ang back pack ko. Kung paano napunta sa kanya iyon ay hindi ko alam. Geez, kanina pa ako wala sa sarili.

"Salamat sa paghatid, Zion." I glanced at his face and then looked away. "Pati na rin sa pagdala mo sa akin sa clinic kanina." Ngayon lang nag-sink in sa utak ko yung eksenang ginawa namin kanina sa gitna ng klase. Buhatin daw ba ako sa harap ng mga kaklase't professor namin? That's quite a scene. Paniguradong mai-issue kami nito lalo na't involved ang isang dancer na nagngangalang France Zion Madrigal. Ugh.

Tumango lang siya sa akin bago ipinamulsa ang isang kamay at saka siya sumandal ng bahagya sa kotse niya. "Kape pa..." tukso niya bago ngumisi.

My lips twitched and my brow quirked contemptuously.

"Joke lang," natatawang bawi niya nang mabasa ang reaksyon sa mukha ko.

Pabiro ko naman siyang inirapan. Siya naman itong mas lalong natawa lang. Umiling nalang ako at tinalikuran na siya para sana pumasok na. Mukhang nawala na yata yung pagkailang niya sa akin dahil nang-aasar na siya.

"Misty..."

Nilingon ko siya ulit pero this time, hindi na playful ang expression ng mukha niya. Bumalik na ulit siya sa pagiging seryoso katulad kanina. I looked to him, a bit weirded out at his sudden change of mood.

"Bakit kanina ka pa tahimik? May nasabi ba akong masama?"

Hindi ko lang pinahalata pero nabigla ako sa tanong niya. Anong ako lang ang tahimik? Siya rin kaya! Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya iyon. Oh, well. Fine... Admittedly, wala siyang sinabing masama. Nakakailang? Oo. At iyon ang dahilan kung ba't ang tahimik ko ngayon which I guess, unusual para sa kanya. At unusual din sa akin na he cares about how I behave toward him. Hmm...

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon