18. Behave

182K 6.2K 2K
                                    

Chapter 18

Saturday na. Usually, tinatamad ako tuwing araw ng Sabado. Paano naman kasi weekend na pero may klase pa kami and what's worse is 8am class pa. Walang Saturday meeting yata na hindi ako pumapasok na wala pa sa huwisyo. I just hate early classes...

But anyway, today's different! Abot hanggang ceiling yung energy ko pagkagising ko palang kanina. First time in this semester akong pumasok ng Saturday na excited! Sa katunayan, sa gate palang ng E.H.U ay malawak na agad ang ngiti ko. Bawat makakasalubong ko ay nginingitian ko.

I just want to spread good vibes in the campus lalo na ngayong official na bati na kami ni Zion!

Sa sobrang excitement ko nga na makita siya ngayong araw sa klase namin ay nawala sa isip ko na hindi nga pala kami magkaklase sa first subject namin ngayon. Sa pagkakaalam ko, may isang pang-third year siyang subject na pinapasukan ngayon. I'm not sure lang kung ano.

Inaamin ko, medyo na-disappoint tuloy ako ng very slight kasi gusto ko na agad makita si Zion para makumpira kung seryoso ba siya du'n sa manga na 'peace offering' niya sa akin at syempre dun sa message na naka-attach du'n. Hindi ko na kasi nagawang i-text o tumawag sa kanya para tanungin iyon dahil mas gusto kong sa personal magtanong.

But oh well... Hold your horses, Misty. Makikita mo naman siya mamaya. Huwag lang masyadong makulit dahil baka bawiin niya ang sinabi niya.

I snapped back from my deep thoughts when I felt my phone vibrate inside my pocket. Kaka-dismissal lang namin at hindi ko alam kung saan muna ako tatambay habang wala pa si Zion. I have to wait for him since pag-aaralan pa namin yung report namin. And speaking of, siya pala itong nag-text...

Zion: Dismissal niyo na diba? Saan ka ngayon?

I replied right away with a smile on my lips. I can't believe we're cool now!

Me: Yep, di ko pa alam kung saan ako mag-stay. :/

Tinignan ko ang direksyon kung saan ako papunta. Malapit na pala ako sa library ng B.A. Siguro dito nalang muna ako mag-i-stay habang hinihintay si Zion.

Zion: Wag ka muna umuwi. Wait for me.

Ba't ang bilis mag-reply nito? Wala ba silang ginagawa sa klase ngayon? I typed in another reply anyway.

Me: Ok. Dito muna ako sa B.A. library. Don't reply na.

Soon as I hit the send button, I slid my phone in my pocket and immediately walked towards the library. Iniwan ko muna ang bag ko sa bag counter bago ako pumasok na nang tuluyan sa reading section. Naghahanap ako nun ng vacant table na mapupwestuhan nang may tumapik sa balikat ko mula sa likuran.

"Misty," boses ni Sab. "Nandito ka pala." Tinabihan niya ako. She was holding two thick books. Wow, studious talaga 'tong kaibigan ko.

"Oo, hinihintay ko si Zion e."

Napa-'oh' siya sa sinagot ko at saka malisyong tumango-tango. Naku, hindi ko gusto 'yang reaksyon na yan.

"Ikaw lang mag-isa? Saan si Eunice?" pag-iiba ko ng topic.

Ngumuso naman agad siya sa kaliwang direksyon ng reading section at dun ay nakita ko si Eunice na seryosong nakatutok sa laptop niya. "Tara," yaya sa akin ni Sab kaya sumama na ako sa kanya.

Wala pang masyadong tao sa library kaya sobrang tahimik. Well, this has to be a quiet place though. Pero alam niyo yung ingay lang galing sa aircon yung naririnig mo? Ganun katahimik ngayon dito. Nakakahiya tuloy gumawa ng kahit mahinang kaluskos.

Mukhang abala talaga si Eunice sa laptop niya dahil hindi niya man lang ako napansin na nakipuwesto sa table nilang dalawa ni Sab. Kung hindi ko pa siya babatiin ay baka dedmahin niya lang talaga ako.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon