Chapter 16
Kalmado ako ngayon pero in the back of my mind ay nagfi-freak out na ako. Paano ba namang hindi ako magfi-freak out e bigla nalang sumulpot itong si Zion sa bahay namin out of nowhere tapos bigla nalang akong hihilain sa kung saan mang lupalop ng Pilipinas!
"T-Teka nga. Teka nga, Zion." Binawi ko sa kanya ang kamay ko kaya huminto kami sa paglalakad kung kaya't nilingon niya ako. "Saan ba tayo pupunta?"
Palabas na kami nun ng gate ng village namin kaya nakadagdag iyon sa pangamba ko. I mean, akala ko sa playground lang ang punta namin dahil literal na nakapang-bahay lang ako pero heto kami't palabas ng village namin! Sobrang clueless lang talaga ako.
"Basta. Sumama ka nalang sa akin," pa-cool na sabi niya at akmang hahawakan na naman ang kamay ko kaya umatras agad ako.
"Hep! Hep! Kung 'di mo sa akin sasabihin, hindi ako sasama. Tignan mo naman ang itsura ko—" I slightly opened my arms for him to look at what I am wearing. "— nakapangbahay lang ako. Gulo-gulo pa nga ang buhok ko o."
He did the same thing. In-open din niya ang arms niya kaya napatingin naman ako sa suot niya... mula ulo hanggang paa.
"Look at me, too. Simple lang din ang suot ko."
Pinagtaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Itsura nito! Yan ba ang simple sa kanya? Okay, sige na nga. Sabihin na nating simple lang ang outfit niya. Kakhi shorts na pinartneran ng black v-neck shirt at red (hip hop?) jacket at black Vans shoes for his footwear. Simple, right? But who is he anyway? He's France Zion Madrigal for fashion's sake. Isa lang naman siya sa mga taong kilala ko na kahit pagsuotin mo ng bahag ay magiging fashion na! He can pull everything off with just his charisma!
Teka. Calm down your thoughts, Misty. Parang inamin mo na rin na gwapong-gwapo ka sa walking typhoon na yan.
I cleared my throat and continued to act tough. "Hello! Hiyang-hiya naman ang outfit ko sa'yo. Kahit maganda ako, baka mapagkamalan lang ako chimay kapag kasama kitang ganyan. 'Di bale na, uy!"
For a second ay nakita kong kumunot ang noo niya and then the next thing I saw is his amused smile na para bang may nasabi akong katuwa-tuwa.
"Hindi naman kailangan ng maayos na damit sa pupuntahan natin."
My frown deepened. "Saan nga kasi?"
"Basta."
"Clue?"
He growled and then frowned at me. "Para 'tong bata. Basta sumama ka nalang sa akin."
I messed my hair in frustration. Hindi na ako bata, 'no! "Pwede bang magpalit muna ako ng damit?" I demanded.
For some reason, nahagip ng paningin ko ang dalawang guards na pasimpleng tumitingin sa amin mula sa guardhouse ng village. Nakadagdag tuloy sa pagka-conscious ko yung tinginan nila. "Bahala ka dyan. Uuwi na muna ako—"
"Huwag na," pigil niya sa akin. Literal na pigil dahil hinawakan niya ang wrist ko. "Sabi ko naman sa'yo hindi kailangan ng maayos na damit sa pupuntahan natin."
"E saan nga? Kanina pa ako tanong ng tanong, ayaw mo namang sabihin." And then something popped in my mind. Natigilan ako saglit pero napangisi rin habang tinititigan siya. "Don't tell magde-date ta—"
Hindi ko pa man natatapos ang dapat sana'y sasabihin ko ay nasamid na agad si Zion. As in yung OA na samid na akala mo e kumakain siya hanggang sa tumawa siya nang nakakaloko na may kasama pang pag-iling ng ulo.
"Asa," he spat with full of sarcasm. "Bakit naman kita ide-date? Girlfriend ba kita?"
I folded my arms across my chest and surely, my rugged features were into a troubled frown now. Aba, nakakainsulto 'to ah! 'Di ba pwedeng joke lang yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/58691693-288-k508606.jpg)
BINABASA MO ANG
[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)
أدب المراهقين"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*