9. Cooking Lesson

204K 7.2K 2.5K
                                    

9. Cooking Lesson

Masyado akong na-pre occupy sa pagluluto nung mga sumunod na araw. Ni hindi ko na nga namalayan ang usad ng araw dahil na-enjoy ko na ang cooking lessons ko with the barkada. Yes, pati sina Reishel, Sab at Eunice ay nakituro na rin sa akin sa pagluluto. Pabor naman sa kanila dahil nauuwi lagi sa foodtrip ang pagtuturo nila sa akin. Naging routine na nga namin ang dumiretso sa condo unit ni Reishel para dun magluto. Sa aming lahat kasi ay si Reishel lang ang nakabukod na sa mga magulang. Meaning to say, solo namin hindi lamang ang kusina kundi ang buong unit.

Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa isang taong hindi marunong mag-appreciate ng effort. Ha! Papatunayan ko kay Zion na nag-improve na ako sa pagluluto. Tinapakan niya ang pride ko. Pagkatapos kong ibuhos ang effort ko sa bawat pagkaing niluto ko para sa kanya ay lalaitin niya lang ito? Tss. Mabuti sana kung constructive criticism e, kaso ang lakas naman maka-destructive. Thanks to my barkada. Mabuti nalang ay palagi silang nandyan para tulungan ako. Speaking of...

Solo flight ako today sa kusina namin. Wala kasi akong klase tuwing Thursday and Friday at nagawa ko na ang dapat kong gawin kaya narito na naman ako sa kusina para magluto. Apparently, I am not totally alone today. Ka-Skype ko kasi si Tyrone na kasalukuyang nasa campus at wala pang klase. So kahit papaano ay may kasama ako virtually.

"Tantyahin mo lang yung ilalagay mong suka, Misty."

"Okay..." Habang nakikinig ay ginagawa ko naman ang sinasabi niya. "Tapos?"

"Oh, oh! H'wag mong haluin. Baka umasim. Takpan mo muna para kumulo."

Bago ko takpan ang kawali ay naamoy ko pa yung nakakatakam na amoy ng niluluto kong Pork Humba. Napapikit tuloy at kasabay nun ay ang pagkalam ng sikmura ko. "Amoy palang masarap na," sabi ko bago humarap sa laptop na nakapatong sa kitchen top sa bandang gilid ko. Nakita ko ang naaaliw na ngiti ni Tyrone sa screen. "Parang similar ito sa Pork Adobo pero with a twist. Saan mo natutunan ang dish na ito?"

"Kay Papa. Paborito niya yan. Madalas ipagluto ni Mama si Papa nyan. Tiyak magugustuhan din yan ni Zion..."

Kusang umasim ang mukha ko pagkabanggit niya sa pangalang iyon. Mas maasim pa sa suka na nilagay ko kanina sa niluluto ko. "Tss. Dapat lang, 'no. Ipapakain ko sa kanya yung sinabi niya sa akin nung nakaraan. At saka babawi ako dun sa pancake na nilait niya. Ipagluluto ko ulit siya nun at gagamitin ko yung itinuro sa aking pancake recipe ni Sab."

Napairap nalang ako sa hangin. Nagplayback na naman kasi sa isip ko 'yong panglalait niya sa pancake ko. Makikita niya, hindi na puro harina yung pancake ko!

Mas lalo akong napasimangot nang marinig ko yung nakakalokong tawa ni Tyrone sa screen. "O, ba't ka tumatawa? Seryoso kasi ako, Tyrone. Babawi ako..."

Naiiling pa rin siyang tumatawa. "Wala. Kailan mo ba balak na bawian siya? Kakaiba ka rin, 'no, Misty? Siguro kung ibang babae ka at nilait ni Zion ang niluto mo, baka matagal ka nang sumuko kaso ikaw nga pala si Misty Kirsten Lee."

"Hello! Iba talaga ako. Ba't ako titigil? Edi pinatunayan ko ngang tama yung sinabi niya. Mas namotivate pa nga ako, e. Makikita ng Zion na 'yan. Makakalimutan niya ang pangalan niya kapag pinatikim ko siya ng luto ko."

"Mukhang kaya mo na nga. Sa totoo lang, marunong ka naman talagang magluto, e."

I smiled gaily and proudly at his compliment. "Thank you, Tyrone. But still, mataas yata ang standard ng taste buds niya. Akala mo marunong magluto—"

"Hindi nga ba marunong magluto?"

Saglit akong natigilan. Napanguso ako't napasimangot nalang nang ma-realize kong contradiction sa katotohanan ang sinabi ko. Misty, anong hindi marunong magluto? He's more than just a handsome face but a very gifted one. Magaling sumayaw, kumanta, matalino at magaling pang magluto. As in, halos na sa kanya na ang lahat!! Nakakastress ang pagiging almost full package niya.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon