14. French Vanilla

194K 7.9K 2.5K
                                    


14. French Vanillla

For the nth time this morning ay humikab na naman ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa dalawa kong brasong nakapatong sa desk ng upuan at saglit na ipinikit ang mga mata ko. Si Zion naman kasi e! May pa-cookies and milk chenes with matching note saying 'Don't go to sleep hungry. Goodnight.' blah blah pa kagabi. Thanks to him sooo much. Hindi nga ako natulog nang gutom dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Huhu.

Past 5am na rin yata ako nakatulog kanina. I've been up all night thinking about what is up with Zion. I know this may sound lame but I also don't know why I am acting this way because of him. Ang bilis naman kasi ng transition ng mga pangyayari. Parang nung isang araw lang ay kinamumuhian niya ako then suddenly, he is acting like I am special to him.

Wait, special? Kahit nakasubsob ang mukha ko ay nagawa ko pa ring sapukin ang ulo ko. Ang assumera mo naman, Misty. Special? Dati yun uy. Hindi na ngayon. Maybe he's just being nice. Tama. Siguro ginagawa niya lang ito dahil unti-unti na rin naman kaming nagkakaayos. Marahil gusto niya lang ibalik ang nasira naming friendship.

Friendship. . . Kung friendship naming dalawa ang concern niya, bakit gusto niyang iwasan ko si Tyrone? Para saan 'yon, diba? Ugh! Nakakabaliw!

Nag-angat ako ng ulo sabay nilibot saglit ang mga mata ko sa paligid nang marinig na medyo umiingay na ang kwarto. Napaaga ang pasok ko ngayon sa klase kaya wala pa sa kalahati ang mga kaklase ko na nandito sa classroom. Mahirap nang ma-late. Nakakadala na sa nangyari kahapon lalo na't Math ang subject namin ngayon.

"Hayy!" I stirred and yawned, my hands opening in a slight stretch. Napatingin pa nga sa akin ang ilan sa mga kaklase ko kaya agad kong ibinaba ang mga kamay ko't patay-malisyang inayos ang sarili. Hindi ko yata matatagalan ang araw na ito nang hindi humihikab. Kailangan ko ng pampagising.

Tamang-tama pa dahil may tatlo akong kaklaseng papasok ng classroom na may hawak na kape. Mukhang binili nila iyon sa vendo machine sa may first floor base sa maliit na cup nito. Napatingin ako sa wrist watch ko. May 15 minutes pa naman bago magsimula ang klase. Mukhang kailangan ko rin ng kape. . . although, hindi naman talaga ako mahilig sa kape.

Panay ang pagpilig ko ng ulo habang pababa sa first floor. Alam niyo yung feeling na parang sa bawat hakbang ko ay gumagalaw ang sahig? Ganun yung feeling ko. Nakakalula. Pero kahit na nalulula ako ay binilisan ko pa rin ang kilos ko.

Nang makarating na ako sa harap ng vendo machine ay napatulala nalang ako sa mga choices ng coffee na nakadikit du'n. I rarely drink coffee so instead of getting black coffee from the vendo machine, I chose French Vanilla. Kapag kasi black coffee, baka mapait. Kapag French Vanilla naman, from the word itseld vanilla, it seems to be sweet.

I was about to take a sip when someone suddenly appeared next to me. "Ang aga mo ah—" aniya at bago pa tuluyang matapos ang sasabihin niya ay kusa nang nag-react ang katawan ko. Agad akong napaiwas.

"AH!" Geez! Napaso pa ang dila ko. I was about to scold whoever it was only to find it was Zion— who is by the way, sneering at me. Napakagat nalang ako sa parte ng dila ko na napaso. Okay, where did your guts go, Misty?

"Ayos ka lang?" he chuckled.

Umiwas ako ng tingin at muling humigop sa kape kong ngayon ko lang napansin na medyo matabang. "H-huwag ka namang manggulat!" pagsusungit ko at nagsimula nang pumanhik sa hagdanan kasunod siya.

Actually, naiilang ako. Sa nangyari kagabi na mukhang hindi naman big deal sa kanya ay hindi ko man lang alam kung appropriate ba itong reaksyon ko. Hindi ba dapat wala lang? Pero bakit ako nagkakaganito? Seriously? What is wrong with me?

"Nagkakape ka na pala?" tanong niya kaya binalingan ko siya ng tingin. Pinapanuod niya lang akong humigop sa kape ko habang pumapanhik kami sa hagdanan. "Sa pagkakaalala ko, hindi ka mahilig sa kape unless you changed your preferences?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon