"Akala ko ba honeymoon niyo?" Tanong ni Ate Bella sa amin habang pinapakain niya ang kambal niya.
"Ayaw mo ba akaming makita?" Heath countered. Inirapan siya ng Ate niya, "Actually, kung si Tonie lang ang bisita ko okay lang, pero kapag kasama niya ang bugnutin niyang asawa. Hindi na okay."
Ang totoo niyang, bugnutin silang parehas. Nilapitan ko si Harper na busy sumusubo ng cereal. "Namimiss kasi ni Antoinette si Raine kaya naisipan kong bumisita dito para makita niya ang kambal. Para mabawasan ng onti ang pangungulila niya sa anak namin." Muling ani ni Heath.
"Hanggang kelan ba kayo dito?" Tanong ng Ate niya. Super hands-on si Ate Bella sa mga anak niya. "Bryan baby, put your shoes on. Daddy will go down in a minute." Utos niya sa anak niya. Tinulungan ko sya at sinuot ko na din ang sapatos ni Harper.
Walong taon na ang kambal niya, grabe parang kelan lang. Ngayon pumapasok na sila sa eskwelahan. "Mamayang gabi lilipad na kami sa South Italy." Sagot ni Heath.
Napatango yung Ate niya, "I-enjoy niyo muna ang honeymoon niyo Tonie. Okay lang si Raine kila Mommy."
Sumang-ayon naman si Heath sa kanya. Ganoon ba ako katense sa honeymoon namin? Inakbayan ako ng asawa ko ng natapos kong sapatusan si Harper. Kasunod naman nun ang pagbaba nga ng asawa ni Ate Bella.
"Bri, Har. C'mon you're gonna be late for school." Tawag ni Kuya Joseph. "Kuya." Sabay naming bati ni Heath. Binuhat niya yung bag ng kambal niya, "Tapos na honeymoon niyo?" Tanong niya sa amin.
Umiling ako, "Hindi Kuya, bumibisita lang. Paalis na kami ng New York mamayang gabi." Sagot ko sa kanya. Napatango siya. Iniabot ni Ate Bella ang lunch box siya sa mga anak niya bago sila tuluyang tumakbo palabas ng bahay para pumasok sa school.
Ibinilin ni Heath yung yate na ginamit namin bago kami tuluyang umalis at bumalik ng hotel para mag-impake.
"Four days to go. Makikita ko na ang baby ko." Bulong ko habang nakatitig sa kalendaryo. Inakap ako ni Heath mula sa likod, "Ha? Andito ako na baby mo oh." Pabirong sabi niya bago niya ako hinalikan sa batok.
"Akala ko sabi mo gawa tayo ng baby." I teased him. I heard him chuckle. "Pwede rin..." He again left a soft kiss on my nape. "Pero bago iyon, may gustong kumausap sa atin." Sabi niya sabay nguso sa Mac niya sa kama.
Nilapitan ko iyon at nakita ko ang baby naming na kanina pa ata naghihintay na makita kami sa screen. "Lala, I cannot see nanay and tatay." Napatakip ako sa bibig ko, umaliwalas ang mukha ng anak namin ng nakita na niya kami sa screen. "Nanay! Tatay!" My daughter squealed.
"Hi baby love. How are you?" I breathlessly asked. Miss na miss ko na ang baby ko.
"I am okay nanay. Lala usually takes me to the office after school. And sometimes we go out together with Lolo." Madaldal na sagot niya. "And I got the present nanay. See!" Ani niya sabay pakita sa amin ng stuff toy na aso na binili naming nung nasa Japan kami last two days ago. "I named him porkchop."
"That is a very pretty name." Bati ni Heath. "How about school baby love? Are you a good girl at school?" Napatango naman siya sa tanong ng daddy niya. Maya-maya nagpaalam siyana may kukunin, pagkabalik niya hawak niya ang papel niya. May limang stars iyon. Nagprapractice na kasi silang magsulat ng pangalan nila sa school.
"Wow! Very good!" Sabay naming tugon ng daddy niya. She gave us a toothy smile. "When are you and nanay going home? I miss sleeping in our house tatay." Medj malungkot na tanong niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Heath. "You just have to count four more days baby love. And then we are going to sleep again in our house." Itinaas niya ang kamay niya at nagbilang hanggang apat. "Yes baby love, four more days and nanay will be able to hug you again." Pinipigilan ko na tumulo ang luha ko.
Maya-maya tinawag na siya ni mommy, "Mga anak, papasukin ko na muna sa school si Raine ha. Ingat kayo." Napatingin ako sa oras, magaalas-nuebe na ng gabi ibig sabihin 9 na ng umaga doon, pasukan na ni Raine. Kahit na ayaw ko pang umalis ang baby ko sa harap ng screen ng laptop, kailangan kasi papasok pa siya.
"Nanay," tawag niya sa akin sabay lapit ng labi niya sa screen na mistulang hahalikan ako. Ginaya ko siya, "Mwuaaaaa!!" then she waved goodbye kasunod nun ang pagpatay ni mommy sa laptop nila.
Matagal akong nakatitig sa black screen ng Mac ni Heath bago ko naramdaman na inakap niya ako. "Four more days nanay." Sabi niya sabay halik sa tuktok ng ulo ko. "Halika na, magimpake na tayo baka malate tayo sa flight natin."

BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...