Twelve

38.3K 549 104
                                    

"Kasal na ako?" Pakiramdam ko nakita ako ng multo dahil sa putla ko at hina ng boses ko. Napatango siya, muli kong nakita ang lungkot sa mukha niya.





"Okay lang na hindi mo naalala, handa naman ako gumawa ng bagong alaala kasama ka. Ang importante magkasama tayong dalawa." He said as he cupped my cheeks before planting a soft kiss on my forehead.












Nakatingin ako sa lalakeng kasama ko habang nagliligpit siya ng mga gamit sa kwarto ko sa ospital. Aniya, ililipat daw niya ako ng ibang institusyon na mas malapit sa bahay naming sa Alabang.







"Ano? Ready ka na?" Naningkit muli ang mga mata niya nang ngitian niya ako. Apat na araw na kaming magkasama pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. "Ah-eh, oo."







Nagmamadali siyang maglakad habang palabas kami ng ospital, nahihirapan nga akong sabayan ang mga paghakbang niya gawa ng malaking agwat ng tangkad naming dalawa.







"Bakit ba tayo nagmamadali?" Tanong ko habang pinapanood ko siyang hanapin ang susi sa kotse niya. Nilingon niya ako, bakas ang kaba sa mukha niya. "May iniiwasan ba tayo? Tinatakbuhan?" Muling tanong ko.







Napatigil siya at tumitig sa akin, "Ha? W-wala. Excited lang akong umuwi na kasama ka."







"Akala ko hindi pa tayo uuwi? Sabi mo lilipat lang tayo ng ospital." Naguguluhan na ako sa kanya. Muli siyang napakapa sa bulsa niya bago siya napamura dahil hindi niya mahanap ang susi. "Teka lang ha. I-che-check ko lang kung naiwan ko yung susi sa loob." Iniwan niya ako sa harap ng pinto ng kotse niya bago siya tumakbo pabalik sa ospital. Nasa limang palapag ang kwartong pinanggaling ko, mukhang matatagalan siya sa pagbalik.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon