Eighteen

31.9K 508 29
                                    

Nakapako pa rin ang tingin ko kay Ivan ng nasa harap na siya ng kwarto namin. Nakahawak na siya sa doorknob, napapikit na lang ako ng pinihit niya iyon para mabuksan.





Pero ng nakarinig ako ng tunog ng nagsasarang pinto saka ko binuksan ang mata ko. Nakita kong pababa na muli si Ivan, huminto siya sa harap ko. "Oh? Diba sabi ko maupo ka muna? Halika nga." Malambing na tugon niya sabay hawak sa kamay ko.




Inihatid niya ako sa sofa, "Akala ko nasa kwarto yung kukunin mo?" Pag-uusisa ko ng nakaupo na ako sa harap niya.





"Hindi, naalala ko nasa likod nga pala ng sasakyan. Inilagay ko pala kanina doon, nakaligtaan ko lang." Sagot niya sabay kamot sa likuran ng ulo niya.





Parang pinakawala ang baga ko sa pagkakaipit dahil nakaramdam ako ng gaan sa paghinga ko. "Di bale, nakita naman kita. Sige aalis na ako ulit. Kumain ka ng tanghalian, okay?" Pagpapaalam niya bago siya ulit humalik sa noo ko. Hindi ko na siya inihatid pa sa pinto dahil yung tuhod ko nangangatog pa rin sa takot at mukha hindi ko pa kayang tumayo.


















Lumipas na ang anim na oras mahigit at hindi pa rin nakakauwi si Maya. I was pacing back and forth while I nibble on my thumb. Muli akong napatingin sa orasan. 4:30 na wala pa si Maya.





Dapat kasi hindi ko na lang siya inutusan at ako na lang ang nagpunta. Bakit hindi ko naisip iyon? Pero kapag ako naman ang nagpunta tapos biglang umuwi si Ivan dito, baka kung ano ang magawa niya kay Maya kapag nalaman niya na nageskapo ako.





Hindi ko na rin nagawang kumain ng tanghalian dahil hindi ko kayang sikmurain ang pasok ng pagkain sa sistema ko. Umakyat ako muli sa kwarto para kunin yung cellphone ni Ivan doon. Ang dami ko pang hindi nababasa na text. Pinili kong buksan yung message na galing dun sa Ingrid ng nakababa ako sa sala, tutal dalawa lang naman ito.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon