Twenty Two

33.2K 640 70
                                        

Pagkauwi namin, isinulat ko agad sa isang kapirasong papel yung mga imaheng nakita ko kanina habang sumasakit ang ulo ko. Baka sakaling mapagdugtong-dugtong ko sila pagdating ng tamang panahon. Itinago ko din yun sa ilalim ng kama namin para hindi makita ni Ivan.





Sumabay na kaming mag-dinner sa mommy niya kinagabihan, ito din ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang mommy niya. Malinaw na malinaw naman na ayaw niya sa akin, dahil simula ng dumating ako dito. Hindi niya ako ngitinian. Tahimik lang akong kumakain habang sila ni Ivan patuloy sa pagsasalita ng Chinese. Clearly, ayaw nilang malaman ko ang pinaguusapan nila.





"Suoyou de nuhai, ni keyi dai hui jia.Weisheme ta de? (Sa dinami-rami ng babaeng ipapakilala mo sa akin. Bakit siya?) Ta bushi zhongguo ren, ta juedui bu zhide ni. (Hindi siya Chinese at hindi din siya karapat-dapat para sa iyo.)" Tugon ng mommy niya habang humahati sa karne sa harap niya.





Kahit na hindi ko naiintindihan iyon, alam kong negatibo ang lumalabas sa mga bibig ng mommy niya. "Wo ai ta, mommy. Wo gaosu ni ji ci. (Mahal ko siya, mommy. Ilang beses ko ng sinabi sa iyo yun.)" Nagbuntong hininga ang mommy niya bago sumagot, "Ta zhiqian ceng shanghaiguo ni, shenzhi shitu suoding ni zaijianyu li. You she me haochu ne, ta xianzai you? (Sinaktan ka na niya dati, kamuntikan ka pa nga niya ipakulong. Anong mabuti ang hatid niya ngayon?)."





Hindi na nakasagot si Ivan sa sinabi ng mommy niya. Tumingin lang din si Dave sa akin. Alam kong alam naiintidihan niya ang pinaguusapan nilang dalawa dahil narinig kong marunong din siyang mag-chinese.





Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ang kaya kong itagal dito. Ito na ang pinakamalapit na katumbas ng impyerno dito sa lupa. Kahit na pwede naman akong lumabas hindi katulad ng nasa Pilipinas kami, nasasakal pa rin ako kay Ivan at sa mga pinaggagagawa niya.














"Miss Tonie, oras na para sa gamot niyo." Tawag sa akin ni Dave habang nasa sala ako nagbabasa. May hawak nanaman siyang gamot, automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Please, ayoko na niyan. Iba ang ginagawa niyan sa katawan ko.





Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon