Two

64.2K 899 10
                                    

"Gusto mo yan?" Tanong sa akin ni Heath ng nahuli niya akong nakatitig sa isang damit sa labas ng kilalang bilihan sa New York.




Umiling ako, hindi dahil ayaw ko pero dahil mahal iyon. May anak na kami at kahit na alam kong imposibleng mawalan kami ng funds, ayoko paring maging gastador ang anak namin dahil iyon ang nakikita niya sa aming magulang niya.




"Wag na love. Masyadong mahal." Sagot ko sabay hatak sa kanya para ipagpatuloy ang paglalakad naming dalawa sa busy streets ng New York.




"Baby, alam kong ayaw mo na gumagastos tayo ng malaki para sa mga bagay na hindi natin kailangan pero honeymoon naman natin. Hindi naman siguro masama na bibilhan kita ng bagong damit." Ani ni Heath ng huminto kami para abangang mag-red ang stop light.




Nilingon ko siya, "Wag na love. Okay pa ako sa mga damit ko." Muling sagot ko sa kanya. Nag-pula ang ilaw tsaka kami tumawid, hindi ko maiwasang maalala na dahil sa stop light sa kalye kaya kami nagkakilala dalawa.




"Love sa tingin mo, kung hinintay mong magpula ang stop light nun magkakakila tayo?" Tanong ko sa kanya. Bahagya siyang napahinto at napalingon sa akin, "Oo naman. Para sa akin ka lang eh. Pero kung hindi, well kilala mo naman ako. Hahanap ako ng paraan para magkakilala tayo."




Kinilig ako sa sinabi niya kaya napangiti na lang ako. "Feeling ko nga nun, love at first sight ang nangyari sa atin pero in denial pa ako nung una." Tugon niya habang patuloy kami sa paglalakad. Kahit na maingay ang kalsada ng syudad na ito, rinig na rinig ko ang boses ng asawa ko.




"Basta ako nun aminado na nahulog na nga ako sa patibong mo. Pero ikaw, antagal mong na-process." Biro ko sa kanya. Napatawa siya sa naging sagot ko, "Love wag na nating balikan ang mga katangahan na ginawa ko noon. Ang mahalaga kasal na tayo." Pag-iiba niya sa usapan kaya natawa ako.










Nakarating kami sa Time Square kung saan napakadami ng tao, "Tayo ka jan love dali!" Sabi ni Heath sabay turo sa harap ng malaking TV Screen sa gitna ng siyudad. Hinatak ko siya sa tabi ko, "Dalawa tayo." Ani ko sabay tutok sa amin nung camera para makuhanan kami ng litrato.




Parang lahat ata ng sulok kumuha kami ng litrato. Si Heath kasi hobby na magpa-print ng maraming pictures. Inilalagay niya iyon sa ilalim ng salamin ng mesa niya sa opisina. Iyun iba ipinapa-frame niya at isinasabit niya kung saan-saan. Doon nga sa opisina niya sa Rain Residences ay mayroong malaking portrait si Raine.








Hinihintay naming ang order naming sa isang ekslusibong restaurant ng napansin kong busy si Heath nakatitig sa dslr. Sinilip ko ang ginagawa niya at nakita kong zinuzoom niya sa mukha ko ang bawat picture.




"Huy, andito naman ako. Ako na lang titigan mo." Pabiro kong tugon sa kanya sabay agaw sa kanya ng camera. Umiling siya habang nakangiti, "Hindi ko kayang titigan ka ng hindi ka tulog love. Hindi ko kaya na hindi kumakabog ang dibdib ko." I went mute dahil sa sagot niya.




He pinched my nose before he snatch a quick peck on my lips. "Ang ganda mo talaga kahit nakatulala ka." Muling ani niya bago dumating ang order namin.




Nagbike pa kami sa central park bago kami tuluyang umuwi sa hotel. Naiinis pa nga si Heath sa akin kasi lagi ko siyang tinataguan sa Central Park. Alam niyo naman iyon kapag nawala lang ako sa paningin niya nagaalburuto na. Kaya ayun, imbis na manatili pa kami doon ng mas matagal, nagpasya siya na bumalik na kami sa hotel.










Umupo siya sa gilid ng kama sabay on sa T.V. Hindi niya ako pinapansin. Hehehe nagtatampo na talaga siya sa akin. Umiinom na rin siya ng alak at hindi niya inaalis ang mata niya sa T.V., he is trying so hard to ignore me.




Lumapit ako sa kanya at kinuha yung basong iniinuman niya. "Love, wag ka ng magalit sa akin.." Malambing na tugon ko. Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin kaya hindi ko maiwasang ngumiti. "Tapos sabi mo hindi ka na iinom ng scotch ng walang okasyon." Pagpapatuloy ko.




His eyebrows are still creased while he kept on glaring at me. I bit my lip to suppress my laughter. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin ng nakita niyang natatawa ako. I straddled him and put my forehead on his. "Tatampo ka pa rin ba?" I asked as I gently move my hips against his hardening manhood.




I saw him catch his breath as he put his hands on my waist to pull me closer to him. "Bakit mo kasi ako pinagtataguan kanina?" Medj galit pa ang tono niya, pero nakikita ko siyang napapapikit sa ginagawa ko.




Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, "Because I just like teasing you." Bulong ko. Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin iyon, binuhat niya ako at inihiga sa kama. Kasunod nun ang maiinit niyang halik. I guess, bati na kami after nito.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon