Fourteen

31.5K 503 11
                                    

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Ivan habang nagsasapatos siya. "Sandali lang ako. Bibili lang ng mga groceries." Maikling sagot niya.






Tatlong araw na pero hindi niya pa rin ako pinapayagang lumabas ng bahay. Kesyo hindi pa ako magaling, hindi pa daw ako pwede magpagod. Pero bagot na bagot na ako dito!






"Hindi ba ako pwedeng sumama?" Pasimangot na tanong ko. Pero imbis na sagutin niya ako, ngumiti lang siya saka humalik sa noo ko bago umalis.







Walang cellphone, walang internet, wala lahat. Ano bang klaseng bahay ito, parang kulungan. Channel ng T.V., 7 at 2 lang. Wala pang HBO o kahit man lang Cinema One. Tho ibinibili ako ni Ivan ng mga DVD na mapapanood everyday, bored na bored pa rin ako!






"Maya, anong makakain?" Tanong ko sa panibagong katulong namin. Linggo linggo kaming nagpapalit ng kasambahay, hindi ko din alam kung bakit.






"Ano po bang gusto niyong ipaluto mam?" Bungisngis niya sa akin. "Hindi naman ako gutom, naitanong ko lang. Hihintayin ko na lang ang asawa kong makauwi." Sagot ko sabay on ng T.V.








Paulit-ulit na lang na Showtime at Kapamilya Gold ang pinapanood ko. "Ay mam, nakabili po pala ako ng newspaper kanina. Na-timing-an ko po kaninang umaga yung natitinda." Hay, sa wakas!





Ayaw kasi ni Ivan na bilhan ako ng kahit na anong magazine o diyaryo. Pinagtalunan pa naming dalawa yon nung isang araw. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ang daming niyang pinagbabawal sa akin.





Inabot sa akin iyon ni Maya at nagsimulang magbasa ng news. "Puro patungkol naman sa drugs ang laman nito." Reklamo ko habang sinusuri ang bawat pahina nito.





Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon