Forty

50K 806 27
                                    

"Careful." Heath said as he assist me out of the car. Akala ko kay Raine lang ako magbubuntis ng malaki. Pero dito sa pangatlo namin, ganoon pa rin. Napahawak ako sa likod ko habang nagpapaypay. Napakainit kasi.






Heath groaned when he saw he uncomfortable with the heat. "Sabi ko naman kasi sayo pwedeng alas-kwatro na lang tayo magpunta dito. Pero mapilit ka talaga." I looked at him with my eyes ready to water, "D-don't cry, forget what I said. Wala akong sinabi." Bawi niya sa sinabi niya.







Binuksan ni Victor yung payong saka ako lumilim doon at nagsimulang maglakad papunta sa puntod ni Angel. Heath's holding my hand like always habang si Raine nauna na sa pwesto ng little sister niya.







Well, hindi naman actually namin alam kung anong gender pero we claimed na babae siya dahil sa panaginip ko.









"Angel this is for you!" Tili ni Raine sabay lagay ng bagong Barbie doll na pinabili niya sa daddy niya kahapon. Inalalayan ako ni Victor para makaupo ako ng komportable sa damuhan.







"Ayos ka lang ba sa pwesto mo?" Heath asked as he sat beside me. Nakahawak ako sa ilalim ng malaking umbok sa tiyan ko bago ako tumango. "Yes love." I said with a smile.







He grinned before he removed the leaves loitering on Angel's resting place. "Angel Luis L. Ongpauco", nakasaulat sa lapida niya. I know what you are thinking, na wala kaming katawan na inilibing. But still, Heath pushed through on buying a slot dito sa private memorial para sa baby Angel namin. Nasa kanya naman ang puso namin kaya hindi importante kung may katawan o wala.






Nahirapan din kaming ipaliwanag kay Raine noon na nawalan siya ng kapatid lalo na't bata pa siya at hindi niya gaanong maiintindihan. She cried too. But after that, sabi niya masaya daw siya dahil may Angel na daw siya na baby sister na kasama ni Papa God. Kaya ayun, we made it a habit na lagi naming bibisitahin si Angel every week.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon