Nine

38.4K 730 20
                                    

"Miss Tonie, may flowers po pala na dumating kanina para sa'yo." Salubong sa akin ni Karla ng nakarating ako sa opisina. "Flowers? Kanino galing?"




"Wala pong nakasulat na pangalan, pero may card naman po na kasama." Aniya sabay abot sa akin. Kinuha ko 'yon at tuluyang pumasok sa opisina ko.




"Take care, Tonie"





'Yun lang ang nakasulat, baka kay Heath galing ito. Napangiti ako sabay kuha sa cellphone ko para tawagan ang asawa ko. Ang tagal na nag-ri-ring no'n siguro busy siya. Pinaglalaruan ko 'yung card sa kamay ko ng may napansin akong mali, hindi ako tinatawag na TONIE ni Heath. Siya lang ang kaisa-isang tao na hindi tumatawag sakin ng TONIE maliban kay Mama.





Namutla ako, pakiramdam ko lahat ng dugo ko nawala sa sistema ko. "Babe, may problema ba? Nasaan ka ngayon?" Ani ni Heath ng nasagot niya ang tawag ko. Hindi ko nagawang sumagot dahil nakatitig lang ako sa mga bulaklak na nasa harap ko. "Baby? Antoinette? Please speak up. Nasa opisina ka na ba? Pupuntahan kita jan. Hintayin mo ako."





Nagising ang ulirat ko sa sinabi ni Heath. Ayoko na siyang papuntahin pa dito. Kahapon pinahinto niya ang importanteng pagpupulong para lang mapuntahan ako. Ipinasa niya kay daddy yung meeting sa Singapore para lang hindi ako iwan. Ngayon gagambalain ko pa siya sa pagka-busy niya. "N-no, no need love. Gusto ko lang m-marinig ang boses mo." Pagpapalusot ko.




"You sure? Your voice is shaking Antoinette."





Pumeke ako ng tawa kahit kabang-kaba na ako, "Oo naman. Masamang bang mamiss ka kahit nagkita lang tayo bago pumasok?" Napatawa din siya sa kabilang linya, "Ipagpatuloy mo lang ang pagkamiss sa akin, dahil gano'n din ang nararamdaman ko. Ingat ka love. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ako."




"Yes po Mr. Ongpauco."




He let out a soft chuckle. "When will you ever learn Mrs. Ongpauco? I love you. Bye." Saka ko binaba ang linya.









Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon