I hailed a cab, sa likod na gate ako dumaan para hindi ako makita ng security guard ng bahay namin. "Less than 40 mins Tonie. Or you have to say goodbye to Doc Kim." Text ulit ni Ivan sa akin.
Napareply na ako. "PAPUNTA NA AKO." Wala pang segundo tumunog na ang cellphone ko. Ibang number nanaman ang gamit niya. "Tonie, alam ko namang ako talaga ang mahal mo. I will be waiting, just remember your time is still ticking." He ended his call with a very devilish laugh. I had goosebumps all over.
Matagal na kaming nasa daan pero hindi pa rin namin natutunton ang address na binigay ni Ivan. Parang sa liblib na lugar ata ito. Napatingin ako sa orasan ko, 11:52pm na.
Kinakabahan ako habang paikot ikot kami ng driver sa Rizal. "Mam pwede ko ho bang tignan ulit yung address?" Pakiusap niya sa akin. Pinakita ko naman sa kanya yung text ni Ivan.
Kanina pa kami nasa daan habang sinusundan ang sinasabi ni Waze. Hanggang sa natunton namin ang isang abandonadong warehouse. I gulped while looking at it. Hindi pa ako nakakapasok pero parang tuluyan na akong nilisan ng kaluluwa ko. "Ma'am sigurado ba kayo na dito ang punta niyo?" Tanong sa akin nung driver. Hindi na ako nakasagot. Basta bumaba na lang ako at napatakbo papalapit doon.
11:58 na. Napatulak ako sa pinto at nakita ko si Doc Kim na nakagapos sa upuan at nakatape ang bibig. Nakatutok na rin ang baril ni Ivan sa ulo niya. She was sniveling under the duck tape on her lips. Naghahabol parin ako ng hininga pero nakuha ko paring sumigaw. "Andito na ako!"
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romantik| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...