Pakiramdam ko matagal akong nasa kadiliman. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pilit kong nilalabanan iyon, pero ayaw bumuka ng mata ko. "Doc, kelan po ba siya magigising?" Nakarinig ako ng boses pero hindi ko magawang magsalita.
Gusto kong sabihin na gising na ako, na naririnig ko na sila. "Hindi pa natin alam, pero patuloy naman kami sa pag-monitor ng vitals niya." Nakaramdam ako ng haplos sa bandang kamay ko. "Gumising ka na please." Aniya sabay halik doon.
Gising na ako. Kailangan ko lang ibuka ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ilang araw ang nakalipas bago dumating ang araw na hinihintay ko. I sprung opened my eyes before it narrowed, adjusting to the bright light. Napaupo ako at napasandal sa headboard. Nasa ospital ako. Saang ospital ito?
Mayamaya may pumasok na lalake sa pinto na may hawak na pagkain. Napangiti siya ng nakita niya akong gising na. "Gising ka na." Bulong niya sabay lapag ng prutas sa tabi ng kama ko.
Sinubukan niya akong hawakan pero napalayo ako ng bahagya, "S-sino ka?" May takot sa boses ko. Sino siya? Hindi ko siya kilala. Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong may benda iyon. "A-anong nangyari? Ba't ako nandito? Kaano-ano ba kita?" Sunod na sunod na tanong ko.
Para bang nakakita ng multo ang lalakeng iyon, bago siya gumawa ng awang sa pagitan namin. "Tatawagin ko lang si doc." Sabi niya sabay labas ng kwarto.
Ilang minuto ang lumipas at bumalik ang lalakeng iyon na may kasamang doctor. "Antoinette, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng lalakeng nakaputi na coat.
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...
