I was busy picking flowers at a shop. Ano bang magandang bilhin? Roses? Carnation? Tulips? Anong kulay? Red? White? Orange? Napakamot ako sa ulo ko. What if, bilhin ko na lang lahat ng tinda nila.
No, mas lalong magagalit sa akin si Antoinette kapag inuwian ko siya ng sandamakmak na bulaklak. Baka hindi niya ako patulugin sa tabi niya mamayang gabi. Ayoko namang mag-camping nanaman sa sofa o sa kwarto ni Lorraine.
Matagal akong nakatitig sa mga bulaklak sa harap ko ng bigla akong nilapitan ng isang saleslady doon. "Hi Sir, anong hanap po nila? Flowers for your mom?" She asked as she fluttered her eyes at me. Clearly seducing me.
Tough luck, pero mas maganda ang asawa ko sa iyo. At wala ng ibang mas gaganda sa paningin ko maliban sa kanya. "No, flowers for my lovely wife." Sagot ko. I saw her frown. Yup, frown all you want little girl. Pero hindi ako interesado sayo, isang babae lang ang nagmamay-ari ng atensyon ko.
In the end, napabili ako ng tig-iisang bouquet ng lahat ng klase ng bulaklak na binebenta nila. Bahala na, basta magbati lang kami ng asawa ko. Hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil tinalikuran niya ako. Sinubukan kong umakap sa kanya pero sinasapok niya ang kamay ko.
I miss her hugs and kisses. Kaninang umaga bago ako umalis ng bahay hindi niya ako ginawian ng tingin, wala ring goodbye kiss. Sobra talaga ang tampo niya sa akin ngayong araw na ito dahil nagkamali ako ng bili ng flavor ng juice niya. Imbes na mango, orange ang nabili ko. Kaya nagtampo ang maganda kong asawa sa akin.
Pinapanood ko ang pinakahuling tumpok ng bulaklak na pinasok nila sa sasakyan ko ng biglang nag-ring ang cellphone ko. I was hopeful na si Antoinette yun pero hindi. Si Mommy, "Mommy?"
"HEATH LAURENT JIMENEZ ONGPAUCO ASAN KA?!" Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil nakakabingi ang sigaw ni mommy.
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romansa| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...
