Nagising ako sa ungol na ginagawa ni Heath. Ito ang pangatlong gabi na nananaginip siya ng masama. "Antoinette, do not leave me please." Bulong niya habang nakapikit at nakakunot ang noo.
"Love, love, gising." Sabi ko sabay yugyog sa kanya. Simula kasi ng bumalik si Ivan sa buhay namin, nananaginip na ng ganito si Heath. 'Yung iiwan ko daw siya, paulit-ulit lang. Palagi daw akong nagiimpake at naglalakad palayo sa kanya.
"Antoinette!" Muling tawag niya sa akin. Mas nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya, "Heath, gising." Saka bumukas ang mata niya. Malalaki ang butil ng pawis sa noo niya.
Napatingin siya sa paligid bago huminto ang titig niya sa akin, "Nananaginip ka nanaman." Ani ko sabay punas sa pawis niya. "Was I?" Tanong niya kahit kita naman na na obvious iyon. Umakap ako sa kanya ng mahigpit, "Dito ka lang." Bulong niya sabay pulupot ng braso niya sa akin.
"Opo, dito lang ako."
Dalawang linggo ang nakalipas at wala na kaming narinig o natanggap mula kay Ivan. Nai-file na rin namin 'yung restraining order salamat kila daddy at mama. Pero kahit gano'n, patuloy pa rin ang pagbabantay ng bodyguards namin sa amin. And as for Heath's nightmares, hindi pa rin tumitigil. Patuloy pa rin ito, kinukumbinsi ko pa si Heath na magpatingin kami sa psychologist para alam naming ang gagawin naming dalawa.
Nagising ako bandang alas-dos ng umaga dahil nauhaw ako. Kumuha ako ng baso ng tubig sa kusina, bago ako bumalik sa kwarto namin sumilip muna ako sa kwarto ni Raine. Ang himbing naman ng tulog niya kaya napanatag ako.
Pero pagkabukas ko ng pinto namin nakita ko si Heath na nakaupo sa dulo ng kama namin at mukhang tatay para hanapin ako. Mukhang nanaginip nanaman siya. "Love, anong problema bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko kahit na alam ko ang sagot. Lumapit ako sa kanya, inakap naman niya ako. Ang higpit ng akap na 'yun. Halos mabali na nga ang mga buto ko.
"I just had the scariest dream." Bulong niya, malamig ang palad niya na nakalapat sa likod ko. I caressed the back of his head before I stated the obvious. "Hmm, what dream is it? Is it about me leaving again?"

BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...