Twenty Three

32.9K 559 67
                                    

Kahit na sinabi kong okay na ako at yung sakit ng ulo ko ay katulad lang ng dati, idinala pa rin ako ni Ivan sa ospital. Nakaupo ako sa kama sa ER habang kausap ni Ivan ang isang Taiwanese doctor.






"Wo xuyao ta de lishi, yi jinyibu quezhen ta de jibing. Xuexi shenme chufale ta touting. (Kailangan ko yung records niya galing sa doctor niya para malaman ko ng mabuti ang sakit niya. Kung alin sanhi ng sakit ng ulo niya.)" Tumatango tango lang si Ivan habang nakahawak sa baba niya.















"Ivan anong sabi nung doctor?" Tanong ko nung nasa taxi na kami pauwi. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Sabi niya hinay lang tayo sa strenuous exercise kasi napapagod ka daw ng husto kaya sumasakit ang ulo mo."




Tumango ako kahit alam kong dagdag nanaman iyon sa kabundok niyang kasinungalingan sa akin. Ivan kelan ka ba matututong magsabi ng totoo?











Umakyat ako agad sa kwarto at kinuha ang papel na pinagsusulatan ko ng mga alaala ko. Sinulat ko ang date ngayon at ang pangalan na sinambit ko kanina.







"Heath. Sino ka ba?" Bulong ko sabay tingala at pikit. Nagdadasal na sana, sana magpakita pa sakin ng alaala para mapagdugtong ko na lahat ng isinulat ko dito.







"Totoo kong asawa. Sabi ni Maya, may totoo akong asawa. Hindi kaya siya iyon?" Binilugan ko ang pangalan na iyon bago ko itinago sa ilalim ng kama namin.





Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon