"Ivan, uwi na lang tayo." Mahinang tugon ko ng huminto kami sa isang ospital. Nilingon niya ako. "Ha? Ayaw mo bang magpatingin ulit?" Umiling ako, wala namang masakit sa akin. Maliban kanina nung parang mabibiyak ang ulo ko sa dalawa.
May alinlangan ang pinagtango niya bago siya sumagot. "Okay, sige. Ikaw ang masusunod. Basta kapag sumakit ang ulo mo o may iba pang masakit sa iyo. Sasabihan mo ako agad."
"Oo."
Hindi malayo ang ospital na iyon sa bahay namin sa Alabang, siguro mga 20 mins lang ang layo niya. Hindi ko maiwasang sundan ng tingin yung bahay namin na sinasabi ni Ivan ng pahinto na siya sa harap nito. Napakalaki non!
"Ganyan din ang tingin mo ng una tayong lumipat dito." Aniya na mukhang in-e-enjoy ang pagtitig sa mangha kong ekspresyon. "B-bahay natin to?"
"Hmmoo, kakalipat lang natin dito two weeks ago. Dati kasi sa condo ko tayo nakatira, tapos ibinigay ni mommy sa atin ito." Sagot niya na mukha namang proud. "Gusto mo ng bumaba?"
"T-teka anjan ang mommy mo?" May kaba sa boses ko. Napangiti siya, "Mommy natin." He corrected me. "Saka wala si mommy ngayon, nasa kapatid niya siya sa Taiwan. Doon kasi siya nagpapagamot ng diabetes niya." May diabetes pala ang mommy niya?
Mukhang chinese talaga ang may-ari ng bahay gawa ng design nito. Sabi kasi ni Ivan sa akin kanina sa daan pauwi, half Chinese daw pala siya. Nakakatawa talaga kasi asawa ko siya tapos parang ngayon ko lang natututunan ang mga bagay bagay tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...