Plugging my other Billionaire themed story, Stonehearts: Garnet. Hihihi please do check it out too! :)
- B I A N C A
--
"Iba talaga ang glow niyo ngayon Miss Tonie." Bati sa akin ni Karla ng pumasok siya sa opisina ko. "Iba po talaga ang glow ng isang newly wed."
"Nako, nako, nako. Malapit na akong tumalbog jan sa mga puri mo ha Karla." Patawang sagot ko habang sinusuri ko iyung papeles na iniabot niya sa akin. Ang totoo kasi niyan, may malaking kasalanan ang finance kay Heath ngayon.
Dahil noong nasa honeymoon kami hindi nila inayos yung budgeting para sa isang condo na ipapatayo ni Heath. Kaya ayun, nanggagalaiti sa galit ang asawa ko. Kaya heto, kapit to kapit. May kaibigan kasi si Karla na taga finance, na nagpatulong sa kanya para daw lapitan ako.
"Miss Tonie, pasensya na po talaga. Naawa po kasi ako nung pinagalitan sila ni Mr. Ongpauco kahapon." Pang-iiba niya sa usapan. Nginitian ko siya, "Karla ano ka ba, wala ito. Ako na bahalang magpa-approve nito sa asawa kong bugnutin. Sige na sabihan mo sila na ako na bahala."
Bago ako umalis muli kong tinignan ang pangalan ko sa pinto ng opisina ko.
ANTOINETTE LOUVELLE L. ONGPAUCO
VICE PRESIDENT
ONGPAUCO GROUP OF COMPANIES
Napailing na lang ako, dati kasi Lastimosa pa ang nakalagay jan. Akala ko nagbibiro si Heath nung sinabi niya sa akin nung nasa Japan kami na pinabago na niya yung apelyido ko sa pinto, hindi pala.
Mabilis naman akong nakapunta sa opisina ng asawa ko sa O Residences. At pagdating ko doon, mukhang hindi maganda ang mood nila dahil hindi maipinta ang ekspresyon ng bawat empleyado doon. Mukhang beastmode nanaman si Mr. Ongpauco.
Kumatok ako bago ako pumasok, "Mr. Ongpauco." Bati ko sa kanya, nakatalikod siya sa pinto habang nakatayo at nakaharap sa malaking glass window ng opisina niya. At hindi ko maiwasang isipin na may ganitong pangyayari nung hindi pa kami mag-asawa.
"It is Heath for you Antoinette. Stop teasing." Aniya bago niya ako nilingon. "Finally, dumating ka din. The great in my not so good day." Tsaka siya lumapit sa akin at yumakap.
"Actually sandali lang ako, ibibigay ko lang sa iyo 'to." Tsaka ko inabot siya kanya yung folder ng budgeting. Sumimangot siya, "Dito ka na muna." He said while maintaining his pouty face.
I grin at him before I stole a kiss. "Ikaw ang natatanging magnanakaw na gustong-gusto ko." He whispered as he smiled back at me.
Hinatak niya ako sa shrivel chair niya hanggang sa nakaupo na ako sa hita niya. "Bakit ang bugnutin mo nanaman ngayong araw na ito love? Yung mga empleyado mo sa labas mukhang hindi na papasok bukas." I said while I absentmindedly played with his hair.
He closed his eyes enjoying the feel of the moment. "Dahil una, hindi nila inasikaso yung budgeting. Ipapalugi nila ako ng milyon-milyon sa kawalang ingat nila. Pangalawa, hindi natapos yung design na gusto ko. Pangatlo, yung materials na ini-order nila for construction, of-low-class. Saan parte naman ako hindi magagalit doon love?"
"Actually, natapos na nila yung budgeting. Iyon nga iyung pinunta ko dito." Sabi ko sabay nguso sa kanya nung folder na dala ko. "Wow, anlayo ng pinanggalingan niyan." He answered sarcastically.
"I wonder if you are really like this before we met. Laging galit, laging bad mood. Paano na lang kung wala ako?" Sabi ko while staring at him.
He nuzzled his face onto my neck, "Kaya nga hindi ka pupwedeng umalis, hindi ka pupwedeng mawala sa tabi ko. Dito ka lang sa piling ko." I can't helped but to smile. Hay, my moody Mr. Perfect.
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...