Ang cute cute ng batang iyon habang nakatingala sa akin. Napaisip tuloy ako kung bakit wala pa kaming anak ni Ivan, gayong ayon sa kanya, tatlong taon na kaming kasal.
"Nanay!" Muling tawag niya sa akin. I bent down to touch his head. "Hi baby boy, nasaan ang kasama mo?" But instead of answering me, mas lalong lumapad ang ngiti ng batang lalake na nakaakap sa akin.
Saka may lumapit sa akin na lalake na mukhang tatay ng batang ito. "Hugo, wag kang bigla-biglang tumatakbo." Suway niya. Kumalas sa pagkakaakap sa akin ang batang iyon bago lumapit sa magulang niya. "Tatay, nanay!" Aniya sabay turo sa akin.
Lumuhod yung lalakeng sabay hawi ng buhok ng batang iyon. "No anak, that is not nanay." Sagot niya bago niya binuhat yung bata sabay lagay sa kanya sa cart nila. "Miss pasensya ka na ha. Pinagkakamalanan niya talagang mommy niya ang mga babaeng nakapula. Yun kasi suot ng mommy niya bago umalis." Mahabang paliwanag nung lalake bago nagpaalam at nagtulak ng cart.
Hinabol ko sila ng tingin, napakaswerte ng nanay ng batang iyon dahil may anak sila. Pero bakit naman niya sila iiwan? Kung ako may anak, hinding-hindi ko lilisanin ang tabi niya kahit na anong mangyari. Napansin ni Ivan iyon ng nakabalik siya kaya sinundan niya yung tanaw ko, "Sino yun? Kilala mo?"
Napailing ko, "Hindi, ang cute kasi nung bata." Nagpatuloy ako sa paglalakad, sinabayan naman niya ang mga yapak ko, "Gusto mo na bang magkababy?" Napahinto ako saka ko nakita ang malaking ngisi ni Ivan.
Ready na ba ako? Siguro dati oo, pero ngayon hindi pa ata. Kailangan ko munang maalala kung sino ako. Ayokong mangapa habang may dinadala ako sa sinapupunan ko. Pero sa tuwing iniisip ko na may sanggol akong buhat sa mga braso ko, hindi ko maiwasang matuwa.
Lumapit siya sa akin sabay lagay ng braso niya sa bewang ko. "Pwede naman nating pagusapan ang pagkakaroon ng baby kung gusto mo na Tonie." Udyok niya muli.
"Pagiisipan ko." Sabi ko sabay ngiti. Napatango siya bago kami tumungo sa cashier para magbayad.
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...
