Nakatayo si Heath sa tabi ng kabayong umaangat at bumaba na sinasakyan ni Raine samantalang ako busy kumuha ng litrato nilang dalawa. Mukhang marami nanamang ipapa-develop na pictures si Heath. "Are you having fun my love?" Tanong ko, sabay naman silang napatangong dalawa. Hay, pinagbiyak na bunga talaga.
Tinignan ko isa-isa ang mga litratong kinuha ko at hindi ko maiwasang mapangit dahil ang lalaki ng ngiti nilang dalawa doon. Saka ko naisipan na bumili muna ng tubig na maiinom dahil nakalimutan naming magdala, "I'll buy drinks muna ha? Masyadong mainit baka madehydrate kayo." Ani ko sabay aboy kay Heath ng bag ko at ng camera. Kumuha ako ng konting pera bago ako bumaba ng carousel.
Sinalubong ako ni Victor, "Mrs. Ongpauco, samahan ko na ho kayo." Napailing ako, siguro ito na ang pagkakataon na kailangan naming mag-relax. Dumidistansya na rin siguro si Ivan gawa ng TRO kaya wala na akong rason para matakot pa.
"'Wag na Victor. Jan lang naman ako sa malapit, bibili ng maiinom. Babalik din ako kaagad." Sagot ko sabay turo sa pinakamalapit na stall na nagbebenta ng makakain.
"Ah, miss tatlong bottle water." Sabi ko sabay abot sa kanya ng pera. Nginitian ako ng babaeng iyon saka kumuha ng talong tubig sa ref nila.
Mayamaya may mga sumisigaw sa likuran namin, akala ko galing iyon sa roller coaster dahil malapit lang 'yun kung nasaan itong stall. Pero pagkalingon ko may nakita akong lalake na may hawak na baril at kung kani-kanino ito tinututok.
"'Wag kayong lalapit!" Aniya sabay asinta ng baril sa mga taong nilalapitan siya para kuhanin ang armas na hawak niya. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nagsisitakbuhan na ang mga tao sa paligid ko.
"Takbo!" Sigaw no'ng isang lalakeng dumaan sa harap ko kaya ako naalimpungatan at nagsimula na ding tumakbo papunta sa direksyon ng carousel.
![](https://img.wattpad.com/cover/75563185-288-k758194.jpg)
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...