Four

45.9K 765 12
                                        

Nagmamadali akong itulak ang cart namin ni Heath para makalabas ng airport. Excited na excited na akong makita ang anak ko!




Pagkalabas na pagkalabas namin ng terminal, nakita ko na si Raine na karga ni daddy. Kumakaway na ito sa amin, "Sige na love, puntahan mo na si Raine." Bulong ni Heath sa akin tsaka ako tumakbo para lapitan ang anak namin.




Agad naman siyang nagpakarga nung nakalapit na ako, "Baby love! Miss na miss ka ni nanay!" I said as I shower her with uncountable kisses.










"Baka naman hindi niyo na na-enjoy ang honeymoon niyo niyan dahil sa pagkasabik mo sa apo ko Tonie." Biro sa akin ni daddy ng nasa loob na kami ng sasakyan. Karga karga ko parin si Raine, busy kasi kami tumitingin sa mga pictures namin ng daddy niya.




Umiling si Heath, "Nung mga unang araw dad ah, ang hirap ayain nitong si Antoinette para lumabas. Pero ng nagtagal ayun okay naman na."




Napatawa ng bahagya si dad, "So ano? May kasunod na ba itong si Lorraine?" Namula ako dahil sa tanong ni dad kaya napatawa rin si Heath. "Malalaman natin dad, pero sana nakajackpot ako. Malaki naman na itong si Raine, pwedeng pwede ng maging big sister." Ngiting ngiting sagot pa niya.









Buti na lang Sunday ngayon at walang pasok ang anak ko. "Love baka gusto mo namang ibaba muna si Raine, kulang na lang pati pagpunta mo ng banyo karga mo siya." Suway sa akin ni Heath ng nasa bahay na kami.




Hindi ko pa kasi binibitiwan si Raine simula nung binuhat ko siya sa airport. "Baka naman magkasakit ka na niyan, pagod ka pa galing biyahe." Pagpapatuloy niya, sinimangutan ko siya.




Napalapit siya sa akin para kurutin ang ilong ko, "Wag matigas ang ulo mo Antoinette Louvelle, hindi magandang ehemplo sa anak natin." Sabi niya, kahit ayaw ko pang bitiwan ang anak ko tama si Heath.




Ibinaba ko si Raine na naging busy naman sa pangangalikot sa mga pasalubong naming sa kanya. "Tatay can I eat this chocolate?"




"Yes baby love, but not too much of the sugary stuffs okay? You can eat only one." Napatango naman si Raine sa kanya bago siya lumapit sa akin at nagpabukas nung white chocolate na hawak niya.




"Coffee or tea love?" Tanong naman sa akin ni Heath. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ko siya hinila paupo sa tabi ko. "Sabi mo magpahinga, baka naman ikaw ang magkasakit." I said mimicking his voice earlier. He let out a chuckle. "Wala naman atang masama kung gusto kong pagsilbihan ang asawa ko."




"Sus." Sagot ko sabay pulupot ng kamay ko sa kanya, inakbayan naman niya ako sabay halik sa noo ko. "So coffee, tea or..........me?" Muling tanong, I looked up to check his expression. He has that deadly smirk on his face. "You. Definitely you." Sagot ko kaya niya ako hinalikan.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon