Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw, baka kasi anong magawa ko kay Ivan kapag nakita ko ang hayop na yun. Nakaupo ako sa may tapat ng bintana at nakatanaw sa malayo. Saka ko naalala yung cellphone na isinilid ko sa bulsa ko. Napatakbo ako sa banyo para tignan iyon sa bulsa ng suot kong pants.
I felt relief ng natagpuan ko yun doon kasama ang calling card ni mama. Okay, ang kailangan ko nalang gawin ay maghanap ng roaming phone para tuluyan kong matawagan si mama.
Muli kong itinago yun sa ilalim ng kama katulad ng ginawa ko dati, saka ko na lang i-cha-charge. Napaupo ako sa kama at kinuha yung pulang envelope na hawak ni Dave kanina.
Nanlaki ang mata ko sa bawat dokumento na laman nun. Pekeng marriage contract, pekeng birth certificate ko, pekeng passport, peke lahat. Kasing peke ng pinapatakbo ni Ivan dito.
"I was wondering on why you haven't set foot downstairs. Busy ka pala dito." Napatingala ako at nakita ko si Ivan na nakasandal sa frame ng pintuan.
Napalunok ako, akala ko kung anong gagawin niya sa akin ng nakalapit siya. Pero naupo lang siya sa tabi ko. "I know you don't remember much Tonie. But I hope this is enough to tell you it was me all along." Aniya sabay halik sa noo ko.
Gusto kong masuka sa pinagsasasabi niya sa akin. Buang ba siya? Anong akala niya, nalimutan ko na lahat ng nangyari sa Pilipinas dahil lumipat kami dito sa Taiwan? Kung ihampas ko kaya sa pagmumukha niya 'tong kama!
"Pero akala ko Antoinette ang pangalan ko?" I said as I ride along with his delusional mind. "No, we found out na due to the accident nagkaroon ng lapses ang brain mo, letting you think that you were someone else."
Napatango ako, habang pinipigilan ang sarili ko na sakalin si Ivan. "So my real name is Tonie Gail?"
BINABASA MO ANG
Remembering Mr. Perfect
Romance| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taking care of their 5-year old daughter, loving each other more each day. It was, after all, their perf...