Friday: Physics Day
Physics na naman. Nakakatamad talaga, buti na lang talaga isa lang subject namin ngayon.
Heto na ko ngayon sa room, medyo maaga ko ng sampung minuto."Steph" si chels kakarating lang, kuntodo make up nanaman siya.
"Saan ang party?" pang asar ko.
"Grabe ah, masama magpaganda?" habang paupo siya sa upuan niya.
"Nagpapacute ka kay sir nu?" kunwari lang naman. Madalas lang din siya talagang naka make up ng ganyan ka kapal.
"Hindi ah, tsaka yung mga katulad ni sir? Naku! magpakamatay ka man sa harap niya di ka papansinin niyan " aniya.
"Naku, sinabi mo pa, matataas standards ng mga ganyan ang itsura," sabi ko. Nagtawanan kami kasi medyo narinig kami nung iba naming classmate. Mukhang matataas ang hangarin nila, pusturang pustura ang mga girls e.
"Oo nga pala, naisip ko Steph ipa-add na kaya natin yung research?" hala ka! Ano na naman bang naisip nito ni chelsea!
"Ayoko! Ang hirap kaya nun!"
"Pero sayang kasi yung araw natin," aniya.
"Ayoko math din yun, pag inadd natin yun siguradong bagsak na ako."
Napabuntong hininga siya, "sige na nga, bahala ka," hays! Salamat nagwagi parin ako and speaking of nagwagi, parang mga nagwagi din yung mga nasa labas dahil nagtitilian sila. 'Di nga ko nagkamali, ang matinee idol ng school ay dumating na.
"Sir ang gwapo nyo/yie/ love you sir," mga classmates kong babae na ayaw paawat.' Yung totoo, buti hindi na-su-suspend 'tong nga to sa kalandian nila.
"Good morning class, nakapagbasa ba kayo?" aniya.
"Yes sir!/Lahat sir binasa na namin/Opo sir! para sayo," wow! Buong libro yata ang binasa nila.
"Nagbasa ka ba?" tanong sa'kin ni chels habang nakapalumbaba lang ako at walang ganang nakikinig sa maingay kong mga kaklase.
Tumingin ako kay chels at umiling."Paano kang matututo niyan?,"
"Bakit ako magbabasa? May exam ba?," katwiran ko. Nakakatamad naman kasi.
"Bahala ka nga tinutulungan ka na nga ayaw mo pa?"
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomanceHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?