Chelsea's POV
"Magkaibigan sila ni sir brian," nanlaki yung mata ko sa nasabi ni stephanie sa'kin.
"Ay! Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko at hindi siya nagsalita.
"Sarap mong kutusan. Alam mo namang birds of the same feather flock together diba?" mag e-explain sana siya kaya lang pinuputol ko siya dahil naiinis ako.
"Kung sinabi mo yan sa'kin, hindi na kita pinush pa sa kanya. Kaya pala! Magkaibigan pala sila." hindi na nagsalita pa yung kaibigan ko tapos tinititigan na lang yung cellphone niya na parang kawawang bata.
"H'wag mong rereply-an yang si sir ken a,"
Tumango lang siya."Ano na?" napalingon kami ni stephanie. Nandito na pala sila aiza.
"Nagkita-kita kami dun sa labas e, hinintay ko sila dun." syunga. Sabi ko dito na maghintay e.
Buti na lang, hindi na umiiyak si Stephanie kasi dumating na rin yung mga kagrupo niya at nilapitan niya na rin agad.
"Parang umiyak si Stephanie," biglang sabi ni rizza.
"Hindi. Napuwing siya sa malaking duming pakalat kalat sa hangin," may diin yung pagkakasabi ko at nahalata ko rin na oa na pala ako dahil nakatingin na sila sa'kin.
"Wow! Intense," pangaasar ni aiza.Inaya ko na silang gawin yung dapat gawin namin dahil gusto ko nang matapos 'to. Pinayuhan ko na rin kaganina si Stephanie na h'wag na siyang sumama sa pagpapa check ng thesis dahil dun nga sa walang hiyang yun yung punta nila ngayon. Sana talaga hindi ko masalubong o makita ngayon si sir ken at kahit yung si sir brian. Mga buwisit na paasa!
Umiwas talaga rin ako sa pagpunta sa math faculty dahil baka magtransform ako kaya pinauna ko sila at nag C.R muna ako sa canteen.
Sinabihan ko naman na sila na i-message na lang nila ako kung nasaan na sila.
Bago ako lumabas ng comfort room ay may nakasalubong pa akong babae na ang lakas lakas ng pabango, sobrang tamis a!
Nilingon ko siya habang nagsasalamin at parang pamilyar siya sa'kin. Infairness maganda siya. Ang attire niya pang guro, naka pencil cut na skirt at polo blouse na hapit na hapit.Pagkalabas ko, ay sus talaga naman nandito yung mga kagrupo ni stephanie dahil nandito rin yung,
Tiningnan ko talaga siya ng masama, at anong? Tama ba yung nakita ko? Nakuha niya pa akong ngitian? Pero nakita ko ring nagbago bigla yung reaksyon niya at tinuloy yung pakikipag-usap kila ata jacy.
"Uy, Chelsea, nandito ka pa rin pala?" tanong sa'kin ni lenard.
"Oo nga e, dapat pala umalis na 'ko kanina pa," ang taray ng pagkakasabi ko.
"Galit ka ba?" tanong niya ulit sa akin.
"Oo, pero hindi sa inyo don't worry," mabilis kong sagot at sinabayan ko rin ng ngiti. Nakita kong napayuko siya, tama yan mahiya ka sa ginawa mo.Sinenyasan ko na sila ate jac na bibili ako saglit. Bumili muna ako ng tubig dahil pakiramdam ko matutuyuan na ako ng pasensiya. Dumadami na rin yung tao dito sa canteen at ayan na naman yung pabango na naamoy ko kanina.
"Hi," narinig ko. Ang sosyal at ang arte ng boses a, pagkalingon ko sa kanila dahil sa matinding curiosity ko, yung babae! nakita ko siyang humalik sa pisngi ng lalaking paasang baliw na sinaktan yung kaibigan ko! Nanginginig ako sa inis! Muntikan ko nang mabitiwan yung mineral water na nabili ko.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
Lãng mạnHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?