KENNETH
Lumabas ako ng room at magpupunta muna ko sa faculty kasi naman tsk! Nahawa na ngang talaga ako kay brian.
Bakit ko ba nasabi sa kanya yun?
"Hindi ko maintindihan kung bakit lagi kitang naiisip." siraulo na ata ako.
Mukhang gumagrabe na yung paghanga ko sa kanya teka, hinahangaan ko siya? Am i falling for her?
No.
Pagkarating ko ng faculty ay tahimik at mukhang lahat sila ay may klase pera na lang sa taong ito na nakaupo sa upuan ko at nagulat pa siya nang makita niya ako,
"Pre bakit nandito ka na? May nakalimutan ka ba?" tanong ni brian sa'kin habang naglalaptop siya.
"Ikaw bakit nandito ka? Bakit dito ka naglalaptop?"
"Ang hina nang wifi dun sa'min pre, hindi katulad dito isang pindot nasa website ka na kaagad."
Kumuha ako nang isang monoblock chair para umupo at malalim na huminga.
"Uy ano na? wala ka na bang klase?" tanong sa'kin ni mokong.
"Wala, a meron pala" nakayuko ako at nakahawak yung isa kong kamay sa mukha ko.
"Lutang lang problema pre?" Napalingon saglit si brian sa'kin. Ang lakas talaga ng radar nito, sabagay nakita naman sa actions ko. Sasabihin ko ba o sarilinin ko na lang kaya?
"Siguro si bianca?" Hula niya at umiling iling ako.
"Talagahindi siya? A estudyante mo?" tanong niya. Napaangat yung ulo ko.
"A medyo.." sabi ko.
"Yun lang? Hayaan mo sila kung ayaw nilang makinig tutal sila rin naman ang babagsak," aniya. Akala ko naman na gets niya na.
Pabalik na sana siya sa paglalaptop niya.
"Hindi yun pre," tumingin ulit siya sa'kin."Ano ba kasi, babae ba?" tanong niya
tumango ako at ngumiti naman si mokong."Congrats pre nakahanap ka rin, saan mo na meet yan? Maganda ba at sexy ba?" Napakamanyak talaga nito.
"Tumigil ka nga pre mukhang wala kang magandang sasabihin," biro na may halong inis na sabi ko.
"Ang damot mo naman saan nga? pakilala mo naman sakin,"
"Ang dami mong tanong e dito ko nga lang nakilala pre, estudyante ko lang," sinabi ko na, tagal ng hulaan.
Natahimik siya at napanganga.
"Ano? Wag mong sabihing may nangyari sa inyo," advance talaga mag isip 'tong mokong na ito.
"Hindi oi, gawain mo yung nga ganyan kaya ganyan lagi nasa isip mo e"
"Oi, wala pa kong pinapatulang estudyante pre kaya congrats sa'yo," hayop, inasar pa ako. "Ano nga kayo na ba?" Dagdag pa niya.
"Hindi pre, baka sinasaniban lang ako tsaka ikaw yata may kasalanan nito sinumpa mo yata akong hayup ka,"
"Ano?" Pagtataka niya at medyo natawa ko.
"Ang landi mo kasi," sabi ko.
"Ano?" tanong niya ulit. May pagka bingi rin talaga 'tong si mokong e.
"Kasi di siya nawawala sa isip ko at eto pa hindi ko mapigilan yung sarili kong maging malapit sa kanya," eto na, seryoso na 'to. Baka kailangan ko lang ilabas para mawala sa isipan ko at baka dahil lang sa mga naranasan ko kamakailan lang kaya nagkakaganito rin ako.
"Kumain ka ba ng kornik? Korni mo a. Pero parang ganyan din yung sinabi mo sa'kin nung nakilala mo si bianca diba?"
Teka? Ganto ba ako nun? Hindi ko napansin at maalala."Wag mo na nga banggitin yang pangalan na yan tsaka iba siya at iba rin 'to dahil estudyante ko to."
"E yun naman pala e, kuha mo diba? bawal yan pre. Sa pagkababaero kong to kahit kailan hindi ako nakipagrelasyon sa estudyante ko at alam mo yan." tama si brian dun. Kahit magaganda pa yung mga nakaharap sa kanya o kaya siya na yung nilalapitan, kapag estudyante niya magaling siyang umiwas.
"Hindi naman ako sigurado pre pero, hindi ko lang talaga maintindihan. Baka naposessed ako hindi kaya? Ano bang dapat kong gawin kasi pag nakikita ko siya 'di ko talaga maiwasang mapatingin sa kanya o baka nahawaan mo yata ako ng kalandian mo," paliwanag ko sa kanya.
"Ano ka? Eto payong kaibigan a hanggat hindi mo maintindihan yang kalandian mo dahil for your information 'di ako malandi sila lang lumalapit sa'kin," natawa ako sa hayup na ito. "Umiwas ka na at mahirap na pre dahil trabaho natin nakataya diyan." Saad ng siraulo kong kaibigan.
"Pag-hanga lang yan at hanggang diyan lang yan. Basta wala kang gagawin walang mangyayari," dagdag pa niya.
"Pinagsasabi mo?" sabi ko.
"Ibig sabihin ko, h'wag mo na siyang lapitan at wag mo na siyang tingnan. Kapag di mo siya pinansin mawawala na yan dahil akala mo lang na nahuhulog ka sa kanya, yun yon."
"Ganun ba yun? Sige susubukan ko." sana tama nga to si brian.
"Tao lang naman kasi tayo pre diba, nagkaroon din kaya ako ng type sa isa kong estudyante pero alam mo na, hanggang tingin lang." aba walang hiya talaga 'to sabay humagikgik si mokong sa kagaguhan niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Tsaka baka may resemblance lang siya kay bianca, pwede rin yun." dagdag pa niya. Yun nga rin naiisip ko ngayon. Baka lang hindi pa talaga kasi ako nakakamove-on at nababaling ko sa kanya yung gusto kong maramdaman ulit galing kay bianca o kaya bak nababaliw na ako? Ito ba yung resulta nung pag-iinom ko mag-isa tuwing gabi kaya't naghahallucinate na ako?
"Baka," sagot ko.
"Teka, wala ka bang klase?" Tanong niya,
naku po nakalimutan ko."Meron, alis na ko," umoo na lang si mokong dahil abala na sa pakikipag chat sa mga babae niya.
Pagkarating ko sa room, ang ingay nila at malamang nagkwentuhan lang ang mga 'to. Pnilit kong wag tumingin sa likod at nagagawa ko naman pero naaaninag ko pa rin siya. Kailangan ko yata tanggalin magkabilaan yung mata ko ah.
Nag discuss at pilit akong umiiwas, pwede naman kenneth eh kaya mo yan. Hayaan mong maaninag lang siya pero, ano ba naman yung aninag ko parang malinaw pa rin,
Dumiretso na ko sa table ko at nanahimik na naman sila. Tinapos ko na lang talaga yung nalalabing kinse minutos bago ko sila pauwiin
at nang matapos na ay nagpaalam na ako at nagsabi nang goodluck para sa exam nila.Nauna pa nga akong lumabas sa kanila na para akong madaling madaling ewan, bahala na sila kung anong isipin nila dahil mas nakakabuti sa akin ito. Nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko, kailangan kong itatak ito sa isip ko.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomanceHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?