"Sus meron ka pa pa lang kilala, sa ibang school ba?" tanong ni alyn. Ang daldal pala nito.
Bumukas na yung elevator at hindi ako nagsalita pero pinindot ko na yung 5th floor.
"Sa 5th floor?" si lenard na tinanguan ko lang.Pagkalabas na pagkalabas namin sa elevator ng 5th floor nakasalubong namin yung isa pang grupo nang mga classmates namin.
"Ate Jacq, saan kayo?" tawag nung isang babae na kaklase rin namin.
"Ewan ko kay stephanie." lahat sila tumingin sa akin. Hindi ko pa pala nasabi yung pangalan ni sir, kinakabahan kasi ako.
"Kay sir ken." sagot ko.
"Naku! kay gwapo? Wag na kayong tumuloy hindi na raw siya tatanggap at hawak niya na raw lahat ng hrm." sabi nung friend ni ate jacq.
Napakamot ako nang ulo. Parang nawalan naman ng gana yung mga kagrupo ko sa lakas nang buntong hininga nila.
"I-try natin, kilala mo naman yun diba? Hintayin ka namin dito." bulong sa akin ni ericka.
"Sige i-try mo, wala namang mawawala kung susubukan," wow first time nagsalita ulit si rafael.
"Ako lang talaga ang pupunta?" tanong ko.
"Oo ikaw nakakakilala dun diba?" ani lenard.
"Sige te jacq, alis na kami may pupuntahan pa kami sa Building C magbabakasakali." yung friend ni te jacq.
Pagka-alis nila, sinabi namin kay ate jacq na tutuloy kami sa pagpunta kay sir ken, ako lang pala.
Palapit pa lang sa room tumatambol na yung puso ko. Kumatok muna ako ng dalawang beses pa dahil mahina ata kasi yung pag-kakakatok ko, at ayun pinagbuksan ako ng isang estudyante.
Napatingin ako sa mga kagrupo ko at nag-checheer pa ang mga baliw.
Lahat ng estudyante nakatingin sa akin.
Nag-ququiz ata sila dahil lahat sila may mga papel sa desk at pawang mga seryoso.Napatingin ako kay sir na may isinusulat at ni hindi man lang siya tumitingin sa kumatok sa pintuan, ang nag-iisang ako.
Nilakasan ko na yung loob ko at nagsalita na ako. "Sir excuse me," mahina pero sigurado akong dinig niya.
Napa-sulyap na siya sa akin. Nakita ko na naman ang nagkikislapan niyang mata.
"Come in," aniya, pero busy pa rin siya sa pagsusulat.Naku po, nakakahiya. Nakatingin sa akin yung mga estudyante. Lumapit ako sa kanang side nang table ni sir.
Hindi pala siya nagsusulat kun'di nagcocompute.
"Continue answering class," utos niya sa klase niya."Miss Stephanie right?" Ngumiti pa siya sa akin nung tinanong niya ako. hay! Narinig ko na naman yung boses niyang binabanggit yung pangalan ko. Ang sarap lang pakinggan.
Napangiti nalang ako pabalik,"So what can i do for you?" aniya.
"Sir kasi ano--e--a," Ano ba yan stephanie? Anong nangyayari sa iyo?
"Sige kaya mo yan," nginitian niya na naman ako. Natutunaw na ako dito.
Sige tapusin na natin ito,
"Sir pwede po ba namin kayong maging statistician?" dinire-diretso ko na.Tumigil sa pagcocompute, malalim na pag hinga at isang pamatay na tingin sa akin.
"Nakapunta na ba kayo sa ibang professor?""Opo" tipid kong sagot.
"Ang dami ko na rin kasing handle. Itong buong klase na ito sa akin sila lahat." paliwanag niya.
katahimikan ang nangibabaw.Okay stephanie, ihanda mo na yung sarili mo dahil hindi na kayo tatanggapin at wala ka nang magagawa.
"Sige sir ayos lang po. Sinabi nga po sa amin nung kaklase namin na marami kayong hawak kaya ayos lang po." saad ko.
Nakayuko si sir pero nakikita kong ngumiti siya. Hala! baliw lang?
"O sige, ganito wag mong sasabihin sa iba mong classmate. Kayo na yung huling tatanggapin ko,"Totoo ba to? pumapayag si sir?
"Talaga sir?" excited kong tanong.
Umoo siya. Napatalon ako sa tuwa na para kong nagdadasal sa itsura ng kamay ko.Nakita ko rin na nakatawa si sir. Mukha na yata akong tanga pero, hindi talaga mawala yung ngiti ko.
"Yiee! Sinagot mo na ba sir?"
Yung isang lalakeng estudyante ni sir.
Naku nakatingin na rin pala silang lahat sa akin.
"Hindi pa nga e, sabi ko nga halik muna bago sagot." Natawa ako sa sinabi ni sir, patawa rin talaga itong si sir."Ayieee!" inaasar na nila kami.
"Mag sagot na kayo diyan. Mga malisyoso kayo," natatawang sabi ni sir.
"Sige po. Thank you thank you so much sir!" paatras pa yung lakad ko nung nagpaalam ako at dinaig ko pa si joker sa ngiti kong abot tenga.
Isang matamis na ngiti ang sukli niya sa'kin. Mahihimatay na ata ako. Pagkalabas ko si ate jacq lang ang nakita ko at nag-inarte muna ako na kunwari nakasimangot.
"Ayaw?" tanong ni te jacq.
Ngumiti ako at "Pumayag siya," tumalon-talon din siya katulad nang reaksyon ko kanina."Ang lakas ng charm mo," aniya.
"Asus hindi rin, nasaan sila?" tanong ko.
"Nag-cr yung iba, yung iba ewan ko. Anong sinabi mo? kwento mo dali,"
Hindi ko pa man nakikwento,
"Miss Stephanie?" si sir ken kaya biglang lumayo si ate jacq."Eto o," inabot niya sa'kin yung papel na may number. "Para hindi na kayo mahirapan pumunta sa faculty at tingnan yung sched ko. Itex niyo lang ako pag nasa chapter 3 na kayo ng thesis niyo," Kinuha ko at nagpasalamat ako at nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Kung hindi lang dahil sa'yo hindi na sana ko tatanggap." ngumiti siya at napako naman ang mga mata ko sa kanya.
Tumalikod at pumasok na siya sa room at eto parang lumulutang ako at nasa alapaap. Ang ganda ng paligid kumikinang.
"Uy ano yan?" si alyn pala.
Nasa likod ko na pala silang lahat at tuwang tuwa ang mga itsura.KENNETH
Nagulat ako nang makita ko si Steph. Nagkunwari na lang akong hindi ko siya nakita nung pagkapasok niya sa room at baka kasi mahalata yung pagkataranta ko.Sa totoo lang hindi ko maisip ang dahilan kung bakit pinuntahan niya ako hanggang sa masabi niya ngang kailangan nila ng statistician.
Totoo talagang hindi na ako dapat tatanggap pero si Stephanie yun, ewan ba.Nakita ko yung reaksiyon niya nung biniro ko siya na hindi na ako pwede nakakamanghang siya lang ata yung hindi namilit na umoo ako. Halos lahat kasi ata nang ti-nurn down ko, naging mapilit at nakiusap nang todo sa akin. Napapahanga talaga niya ako. Kakaiba talaga siya.
Eto na naman.
Buti nalang may Research pa siya at teka, speaking of research ay naalala ko si brian na nagtuturo rin ng research.Tinawagan ko kaagad at tanging sagot niya "Stephanie? Pamilyar siya. Maya-maya hahanapin ko saglit kasi naka-hold pa yung bago kong chicks. Tinawagan ako pre, ang ganda nito naku,"
Pinatayan ko na lang at naku may bago na namang laruan si loko.
BRIAN
Kakatapos lang ng usapan namin ng bago kong pinopormahan. Lintik si Ken nakikigulo "Stephanie, Stephanie," Hinahanap ko na sa Record ko kung may estudyante akong ganun ang pangalan dahil pamilyar din kasi sa'kin.Bakit kaya pinapahanap ni Ken ito?
Ayun tatlo sila pero sino dito?
Tinex ko si Ken kung anong apelyido at ayun bullseye andito nga, estudyante ko nga.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomanceHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?