BRIAN
Nakaganti rin ako. Alam ko medyo hindi maganda yung ginawa ko pero, epektibo naman kasi atleast ngayon nakita kong alam na niyang gumalang.
Sa mga nakalipas na linggo nananahimik na sila at mukhang naging tuta na ang tigre, kasi naman hindi porket totoo yung sinasabi niya pababayaan ko na lang aba! nasisira ang reputasyon ko bilang guro.
Dapat alam niyang hawak ko yung grado nila bago sila magmalaki.
Sinermonan ako ni ken nung sinabi ko sa kanya yung pagbawi ko sa pagpapahiya sa'kin nung estudyante ko.Alam ko naman talagang mali pero mali rin naman ang sagutin ako at ipahiya ako dahil professor ako.
Araw na nang paggawa nila ng thesis ngayon at buti natapos ko agad lahat nang dapat idiscuss.Papasok na ko ngayon ng room, maingay, may kwentuhan at tawanan. Nung nakita nila akong pumasok, nagsi-ayusan na sila ng upo.
May mga bumabating mga babaeng estudyante at may mga ibang nananahimik. "Okay, ready na ba kayong mag-thesis?'STEPHANIE
"Opo," walang gana naming sagot ni chelsea.
"I want you to count one to six. Start in front," ani sir brian. Nagsimula na silang magbilang, ng
one, two, three, four, five, six ng paulit ulit hanggang sa umabot sa amin.Five si chelsea at six ako dahil magkatabi kami. "Lahat ng number one tumayo," hala lagot hindi kami magkagrupo ni chelsea "Group one kayo," dagdag ni sir. Sabi ko na nga ba.
Pinagsama-sama ni sir yung bawat magkakagrupo at ayan nakakalungkot na hindi kami magkasama ni chelsea.
Magkakatabi na kami ngayon ng groupmates ko.
"Bago kayo mag-simula, i just want to remind you all na medyo mahihirapan na kayong kumuha ng statistician," paliwanag ni sir."Hala bakit!" mga classmates ko.
"Last week pa lang kasi natapos na yung ibang professors ng research sa discussion, ibig sabihin tayo ang nahuli." dagdag ni sir.
Nagtitinginan kami, kung anong dapat gawin. "Pero okay lang yan dahil pwede naman kayong kumuha sa labas ng statistician. Sa ngayon try niyo pa ring kausapin yung mga math teacher baka sakali pumayag sila. Kaya niyo yan," at bumalik na sa pagtatype si sir sa laptop niya.
"Lenard nga pala, anong pangalan niyo?" yung lalakeng nakataas yung buhok sa sobrang dami ng gel.
"Stephanie," turo ko sa sarili ko.
May mga kilala din naman ako dito sa room kaya lang hindi ka-close. Sa mga kasama ko ngayon dito sa grupo ay wala.
"Ericka," sabi nung medyo chubby.
"Alyn," yung naka-salamin. Siguro matalino ito at malamang siya ang aasahan namin hehe.
"Jacqueline name ko. Ate jacq nalang itawag niyo sa akin" medyo mature na siya pero maganda pa rin.
"Rafael," mukhang pasaway ito at isnabero.
"Sinong leader?" ani alyn.
"Si ate jacq na lang o kaya ikaw," sagot ko.
"Ayaw," ayaw ni alyn, sino na?
"Ikaw na lang ate jacq," sabay na sabi ni ericka at lenard.
"O sige papayag ako pero tutulungan niyo ako." aniya.
"Opo naman, kaya nga grupo e." pahayag ko.
"Hala lumalabas na yung ibang grupo," si alyn.
Siguro maghahanap na sila ng statistician kasama pati yung grupo ni chelsea, paalis na rin at kumaway pa siya sa akin bago tuluyang makalabas ng pinto.
Mukhang ayos naman siya dun.
"Sinong kilala niyong math prof?" tanong ni ate jacq.Matagal ko na siyang naiisip nung sinabi ni sir bri na kailangan namin ng statistician pero, ayaw ko na dahil nakakalimot na nga ko tapos makikita ko pa siya ulit babalik na naman yung pagkahumaling ko sa kanya.
"Si sir ortega," sabi ni ericka.
"Si Ma'am Leoncia," nagulat ako kay lenard. Yun kasi yung prof ko sa chemistry.
"Prof ko rin yun," sabi ko kahit ayaw ko dun sige, si lenard na lang makipag-usap.
May mga isinuggest sila na hindi ko kilala. Walang nag-banggit ng pangalan ni sir ken, kung sabagay bago lang siya last sem.
"Ano tara na sa faculty at tingnan natin schedule nila," saad ni alyn.
"Meron ba dun nun?" tanong ko.
"Oo, pangalawang ulit ko na to sa Research kaya alam ko na ito," aniya.
"Ayun naman pala e, bakit ka bumagsak?" si Lenard.
"Hindi kami nakapagpasa. Hindi namin natapos, ayun lagapak." sagot niya.
Napa-tango na lang kami at nagkayayaan na kaming pumunta sa faculty dahil kami na lang ang grupong natitira sa room.
Nakaupo pa rin si sir ngunit busy-ng busy sa pag-lalaptop. Papunta kami ng Building A dahil nandoon kasi yung mga faculty. Habang naglalakad nag-uusisa sila sa nangyaring pagbagsak ni alyn sa research at
kami lang ata ni Rafael yung tahimik.Habang naglalakad nakita naming pabalik yung ibang grupo,
"Tol ano may stat na kayo?" sigaw ni lenard sa lalake na nasa kabilang grupo. Umoo ito at nag thumbs up.Nakasalubong namin yung grupo ni chelsea at mukha silang masaya. Kumaway na naman si bruha hindi na ako nakapagtanong dahil ang bilis nilang lumakad at tsaka busy ata siya sa new found friend niya.
Pagkarating, mabilis kaming pumunta sa harap ng faculty at nasa bulletin nga yung sched ng mga professor,
Nagsipag-tinginan kami sa sched nang mga kilala naming professor ng math. Nakalagay din dun kung nasaan sila ngayong room nagtuturo.
Inilista na nila yung Bulding at room habang ako pasimpleng tumingin sa sched niya. Nandito lang pala siya sa Building A sa 501.
Swerte, nandito yung apat na kilala namin sa Building A. Inuna namin yung Sir ortega,
"Sir!" 'yun pa lang ang nasasabi ni ericka."Naku pasensiya na ang dami ko nang hawak," sagot ni sir ortega. Nagpasalamat nalang kami at umalis at ganun din yung sagot nung prof ko na nasa 7th floor pati na rin yung isa pa na nasa 8th floor.
Yung last naman na kilala nila ay nasa 8th floor rin pero, "Excuse me?" sumilip si ate jacq sa room na may mga estudyanteng parang nakawala sa kural.
"Bakit po ate?" sagot nung nasa harapan na estudyante.
"Si ma'am liya?"
"Absent po e, may sakit daw. Hinihintay nga po namin yung sub."
Hindi na kami naghintay pa sa kung sinong sub yung kapalit. Mga sawi yung itsura namin. Nakakapagod akyatin yung 7th floor ng mano-mano dahil ang dami kasing nakapila sa elevator at nagmamadali na rin kami kaya sobrang pagod.
Tahimik kaming naglalakad papuntang elevator at dahil no choice na talaga,
"May kilala pa ako."
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomansaHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?