Maaga kaming pinauwi ni ma'am sa p.e at mabuti na yon dahil wala talaga ko sa mood.
Nandito na ako ngayon sa jeep, tulala at malalim yung iniisip.Naalala ko tuloy yung chemistry subject ko. Naka-tatlong ulit ako sa subject na yun,
3-peat ba. Grabe yung hirap ko noon sa pag-akyat ng hagdanan dahil madalas sa 8th floor ng building namin ang chemistry lab at rooms, plus hindi talaga ako matuto tutong makapag compute gamit yung mga formulas doon. Pinipilit ko namang intindihin at mag tanong tanong sa mga katabi ko pero, hindi talaga ako makakuha ng tamang sagot tuwing may quizzes, seatworks or exams. Sinubukan kong bumawi sa recitation at sa laboratory experiments namin ngunit hindi talaga umaabot. Sa Pangatlong repeat ko na nakilala si chelsea, yun yung time na naging mag-classmate kami.Halos isumpa ko talaga yung subject na yun at pati na rin yung mga naunang professor ko na paulit ulit na sinasabing "kabisaduhin niyo yung elements sa periodic table" baliw lang? e kahit presidente ata ng pilipinas at kahit america pa hindi kabisado yun.
Kaya siguro bagsak ako lagi kasi lagi kong kinikwestyon yung mga tinuturo niya sa'min. Bukod pa sa napakaraming pamatay na numbers na hindi mabibilang sa daliri.
Hindi ko rin sinabi kila nanay na bumagsak ako pero, ipinakita ko naman yung grades ko, paano? marami sa recto.
Pero awa ng diyos, nakapasa rin ako.
Yung last take ko dun ay sinwerte ako sa professor namin at alam na niya sigurong naka ilang take na ako, at nandun na siguro ang awa kaya kahit papaano binigyan ako ng tres at syempre sa tulong na rin ng kaibigan kong si chelsea sa madalas na pangongopya ko na hindi naman dapat ginagawa ng isang magiging guro na katulad ko. Hay, no choice lang talaga.At ngayon naman physics,
pagkatapos ng sem na to isang sem na lang sana at graduate na kami ngunit agaw eksena pa rin talaga ang mga math sa college life ko.Iniisip ko paano pag nag 3-peat o kaya 2-peat ako? ok sana kung 1-peat lang ngunit, hindi rin e ayaw ko na talaga umulit.
Bumaba na ako ng jeep, mabuti naman at wala yung mga nag-iinuman dito dahil ang ingay at nakakatakot na rin. Sumakay na ako ng trycicle papunta sa'min at pagkadating, kinamusta agad ako ni nanay at syempre yung resulta ng mga exam ko.
Magsisinungaling ba naman ako? Eh of course! Ayaw ko kasing mawalan sila ng gana sa'kin, lalo na pag lagi nilang sinasabi na "inaasahan ka namin anak."At isa pa, yung mga intrimitida kong kamag-anak, may contact sila kay tita yung mismong nag-papaaral sa'kin.
Alam kong naiingit sila na pina-paaral ako ni tita at alam kong gagawin nila lahat para mag-mukha akong masama sa paningin ng aking auntie.Nakakinis sila, bakit? Ang init ng mata nila sa akin. Kasalanan ko ba kung bakit ayaw na silang suportahan ng nag-iisang umasenso sa angkan namin? E sa nagpabuntis sila ng maaga. Nagsi-asawa sila ng maaga.
Naalala ko tuloy nung nireport nila ako na puro pagboboyfriend ang ginagawa ko.
Akala nung pinsan ko boyfriend ko yung madalas kong kasama, e bading nga yun. Naging friend ko si bakla nung first year college pero ewan ko kung nasaan na siya dahil nawala na lang bigla sa school.
Tsaka tungkol lovelife? malamang n.b.s.b nga ako. Nakakainis na minsan may masabi lang talaga sila.Buti na lang hindi naniwala si tita pero yung sarili kong ina ay hindi. Pagkatapos kong sabihang sumbungera yung ibang kamag anak namin at hindi siya naniwala ay tumigil na lang ako sa pagsasalita dahil aniya wag daw akong nambibintang at kahit bali baligtarin ang mundo ay mga kamag-anak pa rin namin sila which is tama naman din kaya ayan tuloy kailangan ko na lamang itago sa kanila yung kamalasan ko sa math. Walang gulo, walang problema. Lahat naman ng bagay ay may solusyon, sabi nila.
"Anak ano?" nabalik ang utak ko sa reyalidad dahil kanina pa pala ko tinatanong ni nanay.
"Po a opo, ayos po. Sige nay akyat na muna ako at magbihihis na rin po ako." nakangiti pa ko kay nanay pag kaakyat at siya naman ay parang takang taka.
Humiga agad ako sa sobrang pag-iisip, napatitig sa kisame naming plywood, hanggang sa napapikit na lang ako at unti unting nakatulog.
KENNETH
Nagawa ko na hindi siya pansinin at isipin na walang stephanie sa classroom ko pero, lintik lang kasi lagi naman siyang nasa isip ko.
Hindi ko na nga siya pinagmamasdan, tinititigan o nginingitian kaya lang
parang naka print naman sa utak ko yung mukha niya. Hanep talaga kasi para bang hindi nabubura.Kapag nakikita ko yung pangalan niya, wala akong ibang maalala kundi ngiti niya.
Ang tagal ko ngang hawak yung test paper niya, kaya nasipat ko yung nakasulat na 'makakapasa ako! kaya ko to' napangiti ako na may halong lungkot.
Tagilid kasi talaga siya sa akin. Mababa yung quizzes niya, yung exams niya at hindi rin naman siya nagrerecite. Saan ako hahagilap nang pangdagdag?
Nung lumapit siya sa'kin at kunin yung papel niya, nakita ko yung lungkot sa mata niya. Hindi ko na natiis gusto ko talagang mapalakas yung loob niya kaya sinabi ko talagang,
"Kaya mo yan." nalungkot nga lang din ako dahil ni isang tingin ay wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko nagawang pangitiin siya at parang nadidisappoint ako sa sarili ko.
Bakit ganun parang nasasaktan ako sa nakikita ko. Ang akala ko pa naman mawawala na siya sa isip ko. Parang lumala lalo dahil sobrang miss ko na siya. Oo namimiss ko siya.
Parang gusto kong mapalapit sa kanya, kausapin siya, makatabi siya at mapagaan yung loob niya.
Eto na ba yun? Gusto ko na talaga siya? ano ba ang dapat kong gawin? kailangan ko pa bang ituloy ang hindi pag-pansin sa kanya pero, ako naman ang nahihirapan na nakikita siyang malungkot at hindi ko mapagaan kahit kaunti man ang kalooban niya.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomansaHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?