w22 Point of Views

5.5K 114 4
                                    

KENNETH

Katatapos lang ng klase ko at dumiretso muna ako ng faculty para makapagpahinga.

Ang alam ko pareho kami ng out ni Brian, Pupunta kaya siya sa faculty?

Pagkadating, ang ingay ng mga co-professor's ko dahil may mga bago at masyado pang mga energetic.

Nagulat ako nang makita kong naunahan pa ako ni mokong makarating dito, ang alam ko sa Building B pa siya.

"Pre, hindi tulugan yung lamesa ko." sabi ko. Naalimpungatan ata at nagkusot kusot ng mata.

"Pare hindi ka maniniwala, nakita ko na naman yung nagtapon ng softdrink sa sapatos ko, "aniya.

"Nananaginip ka?" sabi ko habang hinihila yung isang monoblock na upuan.

"Hindi nandito siya, estudyante ko." napanganga ko saglit. Hahaha tingnan mo nga naman ang tadhana.

"Talaga? o anong problema?"

"Ipinahiya ako tsong sinabi ba naman na may hinahabol akong chicks,"

Natawa ako, "Karma yan pare." inayos ko na lang yung mga index ng mga estudyante ko.

"Pag inulit niya yun, humanda siya sa akin," sabi niya

"Ano namang gagawin mo?" tanong ko.

"Basta, humanda siya." aniya.

Napailing na lang ako. Hindi kasi nag-iingat ayan tuloy kung sino sino nang nakakakita sa kalokohan niya.

"O nga pala, nakikita mo pa ba yung pangarap mong estudyante?" hinampas ko sa ulo ni mokong yung index na hawak ko.

"Aray naman pre," hawak niya yung ulo niya.

"Ang ingay mo," sabi ko. ang lakas kasi ng boses ng siraulo na 'to at baka magka issue pa pag narinig nila. May mga palingon lingon pa naman sa amin dito at bumabati pa.

"Ano nga estado?" tanong niya ulit.
Bumuntong hininga muna ako. "Hindi ko na nga nakikita tsaka ayos na, kakalimutan ko na yun." sana nga.

Tinawanan na naman ako ni mokong. "Kumusta nga pala sa bahay niyo?" ani brian.

Umuwi rin kasi ako kamakailan sa bahay dahil na miss ko na rin kasi sila mama.
"Ayos naman, tinatanong ka nga nila sa akin ang sabi ko nag-asawa ka na." sabay tawa ko.

"Letse, asawa pa ang gusto. Si bianca? buti 'di tsumempo?"

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon